Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Vice Ganda issues public apology to Tony Calvento; Calvento accepts Vice's apology

by Bernie V. Franco
Aug 17, 2017
Vice Ganda and Tony Calvento bury the hatchet after a misunderstanding between them happened last week. This Thursday, August 17, Vice Ganda publicly apologized to the journalist. Later on, Tony posted a message on Facebook stating that he accepts Vice's apology. 

Pagkatapos ng ilang araw ay nagkaayos na ang TV host-comedian na si Vice Ganda at ang batikang journalist na si Tony Calvento.

Sa episode ng It’s Showtime ngayong Huwebes, August 17, personal na humingi ng paumanhin si Vice kay Calvento.

Ito ay kaugnay ng ginawang pagkukumpara ni Vice kay Calvento sa isang contestant ng "Tawag Ng Tanghalan" noong nakaraang linggo.

Simula ni Vice, “I just would like to personally apologize nga pala.

"Kasi last time, I wasn’t able to personally say my apologies to Mr. Tony Calvento, who got offended when his name was dragged during the discussion noong nakaraang linggo.”

Patuloy niya, “Pasensiya na po kayo. I personally apologize.

“Pasensiya na kayo naantala dahil ako’y nasa Korea.”

Ayon pa kay Vice, tinawagan din niya ang journalist upang personal na humingi ng dispensa sa kanyang nagawa.

“Gayunpaman nakausap ko naman siya.

"Tumawag ako sa kanya’t nag-apologize na rin ako personally.

Continue reading below ↓

"At ito, gusto ko pa ring gawin. Pasensiya na po. I apologize," pagtatapos ni Vice.

APOLOGY ACCEPTED. Kaagad namang nag-status sa kanyang Facebook account si Calvento upang ipahayag na tinatanggap niya ang paghingi ng paumanhin ni Vice.

Ayon sa post ng ng journalist: “VICE'S PERSONAL APOLOGY ACCEPTED.
ALL IS WELL. LET'S MOVE ON VICE.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kalakip ng post ni Tony ay ang isang picture ni Vice.

THE ISSUE. Nagsimula ang isyu sa pagitan nina Vice at Calvento nang ikumpara ng comedian ang "Tawag Ng Tanghalan" semi-finalist na si John Mark Saga sa batikang journalist sa episode ng It's Showtime noong August 11.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, August 12, Sabado, binasa ni Billy Crawford sa kanilang programa ang letter of apology ni Vice kay Calvento.

Wala si Vice noong araw na iyon dahil lumipad siya patungong South Korea.

Subalit hindi ito tinanggap ni Tony, at sinabing hihintayin niya ang personal apology ni Vice na dapat sana ay gagawin nitong Miyerkules, August 16.

Pero ngayong Huwebes lamang nakabalik si Vice mula South Korea.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Tony Calvento bury the hatchet after a misunderstanding between them happened last week. This Thursday, August 17, Vice Ganda publicly apologized to the journalist. Later on, Tony posted a message on Facebook stating that he accepts Vice's apology. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results