Pokwang calls unborn child "Baby Subong"; netizens ask if she has broken up with Lee O'Brian

by PEP team
Aug 18, 2017
"Yeah babe, why #babySubong? I'm right here waiting for you and #babybrian," asked Lee O'Brian about girlfriend Pokwang's recent Instagram post.

Ipinagtataka ng ilang followers ni Pokwang ang Instagram posts niya nitong mga nakaraang araw.

Nagsimula ito nang ibahagi ng Kapamilya comedienne ang larawan nila ng matalik na kaibigang si K Brosas.

Caption dito ni Pokwang: “Wag kayong magulo gusto ko ulit ipost ito bilang sad ako!!! gusto ko tumawa!!!”

Kapansin-pansin din ang naging sagot ng komedyana sa isang netizen na nagsabi sa kanya tungkol sa pag-iba-iba ng hormones kapag buntis.

Tugon ni Pokwang, “Ang hirap kasi di nauunawaan ng isa! mas mataas lagi kung magalit.”

Hindi tinukoy ng Kapamilya star kung sino ang sinasabi niyang “isa.”


Continue reading below ↓

Nang sumunod na araw, nag-post si Pokwang ng paalala tungkol nararanasang mood swings ng mga buntis.

Aniya, “Sana intindihin nyo rin buntis mood namin!!!!! kung di ma gets edi try mo ikaw kaya mag buntis????? ikaw mag suka at mahilo, di maka tulog, ikaw narin mag labor pain ng halos ilang oras, or ikaw narin mag pa hiwa sa tyan at tiisin mo lahat ng sakit!!!!! #adjustdinpagmaytime”

Sa comments section, maraming kababaihang netizens ang sumang-ayon sa kanya.

Ang ilan ay pinaalalahanan pa si Pokwang na maging maingat sa kanyang pagbubuntis.

Samantala, sa sumunod niyang post, nagtaka ang ilan kung bakit tinawang ni Pokwang na “Baby Subong” ang kanyang dinadala, gayong O'Brian ang apelyido ng kanyang American boyfriend.

Marietta Subong ang tunay na pangalan ni Pokwang.

Goodnight na from me and my #babySubong 4months palang kulit at mabigat na ????????

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Dahil dito, may ilan tuloy na nag-isip kung bakit nagamit ni Pokwang ang hashtag na #babySubong.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Kahit ang mismong boyfriend ni Pokwang na si Lee ay napatanong: “Yeah babe, why #babySubong? I'm right here waiting for you and #babybrian.”


Hindi sumagot sa tanong ni Lee ang four months pregnant na si Pokwang.

May ilang netizens naman ang nagpaliwanag na marahil kaya ito nasabi ni Pokwang ay dahil hindi pa sila kasal ni Lee.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Gayunman, pinaalalahanan pa rin si Pokwang ng maraming followers niyang mag-ingat, habang ang iba ay nag-alay pa ng panalangin para maging ligtas ang kanyang pagbubuntis at panganganak.


Read Next
Read More Stories About
Pokwang, Lee O'Brian
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yeah babe, why #babySubong? I'm right here waiting for you and #babybrian," asked Lee O'Brian about girlfriend Pokwang's recent Instagram post.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results