Betong Sumaya reveals reason why he will never transfer to another network

by Nerisa Almo
Aug 25, 2017
Betong Sumaya on transferring to other network: "Yung paglipat, sige, pupuwede mong gawin. Pero yung masasabi sa 'yo after, yun ang hindi ko makakaya."

Lubos ang pasasalamat ng komedyanteng si Betong Sumaya dahil sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng trabaho ng Kapuso network.

Mahigit isang dekada na si Betong sa GMA-7, at sa kabuuan ng kanyang pananatili, halos nasubukan na niya ang lahat—umarte, kumanta, at mag-host.

Una siyang nakilala bilang castaway sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown noong 2012.

Ngayong taon, bukod sa weekly gag show na Bubble Gang, naging bahagi rin siya ng katatapos lamang na primetime series na I Heart Davao.

Samantala, makakasama siya ni Jennylyn Mercado sa bagong cooking show nitong Dishkarte, at magiging co-host siya ni Solenn Heussaff sa weekly videoke challenge na All-Star Videoke.

Ayon kay Betong, “Kung wala namang GMA, wala namang Survivor.

“Kung walang GMA, wala naman ang shows namin ngayon.

“Wala naman akong ibang naisip na ibang network na magtratrabaho ako.

“Hindi talaga, sobrang laki ng utang ng loob ko sa GMA.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Betong sa press conference ng All-Star Videoke kahapon, August 24.

Ayon sa komedyante, kailanman ay hindi niya naisip na subukang magtrabaho sa ibang networks.

Mas binibigyang-halaga raw niya ang pagiging loyal sa network na palaging nagbibigay sa kanya ng trabaho.

Aniya, “Yung paglipat, sige, pupuwede mong gawin.

"Pero yung masasabi sa 'yo after, yun ang hindi ko makakaya.

“Yung masabi na parang wala kang utang ng loob, yun ang hindi ko kaya.

“Kahit hindi naman sa network, kahit sa friendship at kahit anong relasyon, kapag wala kang loyalty, ang hirap, e, babalikan at babalikan ka.”

Sa ngayon, buo lang daw ang tiwala ni Betong sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso Network at kasalukuyang nagma-manage ng showbiz career niya.

Saad niya, “Sobrang maayos mag-alaga ang GMA, ang Artist Center.

“Thankful ako na laging may trabaho o laging may show na nakaabang.

Continue reading below ↓

“Alam naman nila kung ano yung mga gusto kong gawin at yun naman ang tipikal.

“Parang ang kailangan ko lang talagang gawin sa sarili ko ay pagbutihin ang ginagawang trabaho.”

Read Next
Read More Stories About
Betong Sumaya, bubble gang
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betong Sumaya on transferring to other network: "Yung paglipat, sige, pupuwede mong gawin. Pero yung masasabi sa 'yo after, yun ang hindi ko makakaya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results