Vicki Belo reveals Hayden Kho Jr. asked for prenup to prove he's not after her money

by Bernie V. Franco
Sep 5, 2017
Dra. Vicki Belo defends husband Hayden Kho Jr., saying that it was he who asked for a prenup. She says, "I think it was important for him to be the one to ask for it, para matapos na lahat ng tsismis about that sort of thing."

Umaasa si Dra. Vicki Belo, 61, na matitigil na ang pagdududa ng ilang tao na pera ang habol sa kanya ng mister na si Dr. Hayden Kho Jr., 37.

Ito ay matapos isiwalat ng cosmetic surgeon na si Hayden daw mismo ang humingi ng prenuptial agreement bago sila ikasal.

Ikinasal ang dalawa sa The American Church sa Paris, France, noong September 2 (Paris time).

Pahayag ni Vicki sa panayam ng 24 Oras nitong Lunes, September 4, “Laging tsinitsismis na si Hayden, na after the money, after the whatever.

“So, I think it was important for him to be the one to ask for it, para matapos na lahat ng tsismis about that sort of thing, and sana naman ma-appreciate ng mga tao.”

Nagbigay pa ng mensahe ang doktora sa kanyang mister.

“Hayden, I really love you. I’m so happy that we’re married.

"I feel so much peace na ito ang gusto ng Diyos."

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

BELO CHILDREN. Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Vicki sa mga anak na sina Cristalle Henares-Pitt at Quark Henares sa pagsuporta ng mga ito sa kanyang desisyong pakasalan si Hayden.

Sina Cristalle at Quark ay mga anak ni Vicki sa dating asawa na si Atom Henares.

Sa simula kasi, hindi naging pabor ang mga anak ni Vicki sa relasyon nila ni Hayden.

Mensahe ni Vicki sa kanyang mga anak, “I love them so much, and I’m so happy they supported me in this wedding.

"Alam mo naman, may pagka-rollercoaster ride yung aming relationship ni Hayden, and now they’re fully supportive of me.”

Ang anak naman nina Vicki at Hayden na si Scarlet Snow ay nagsilbing flower girl sa kanilang kasal.

Samantala, inaasahang tutulak papuntang Italy ang newlyweds para sa kanilang honeymoon. Kasama nila si Scarlet Snow.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Vicki Belo defends husband Hayden Kho Jr., saying that it was he who asked for a prenup. She says, "I think it was important for him to be the one to ask for it, para matapos na lahat ng tsismis about that sort of thing."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results