"Miss Q & A" contestant loses leg in serious road accident

by Arniel C. Serato
Sep 6, 2017
Malaki ang panghihinayang ng mga kaibigan ni "Miss Q & A" contestant Jennifer Collins matapos itong maputulan ng binti. Nabangga kasi ng rumaragasang jeep ang traysikel na sinakyan ng gay breadwinner noong August 30. 

Humihingi ng pinansiyal na tulong sa publiko ang isang contestant ng "Miss Q & A" segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime dala ng aksidenteng sinapit nito.

Si Jeniffer Collins—o Jayson Jiz de Ortega sa totoong buhay—ay sumali sa "Miss Q & A" noong August 16.

Sa "Miss Q & A" ay nagtatagisan ng galing sa pagsagot ang mga contestant na gays at transwomen.


Continue reading below ↓

Nanalo si Jennifer sa daily round.

Lamang, sa sumunod na araw ay natalo siya ni Matrica Mae Matmat Centino, na ngayo'y second hall of famer ng nasabing pakontes.

Sa Facebook post ng kaibigan ni Jennifer, na si Jam Arenas, noong Lunes, September 4, inilahad nito ang nangyaring aksidente sa "Miss Q & A" contestant.

Noong August 31, Huwebes, nabangga ng rumaragasang jeep ang sinasakyang tricycle ni Jennifer sa may Bulacan.

Dahil sa tindi ng pinsalang natamo ni Jennifer, sumailalim ito sa operasyon at kinailangang putulin ang kanyang kanang binti.


Continue reading below ↓

Bahagi ng post ng kaibigan ni Jennifer: “On behalf of transpageantryPH, we would like to seek help for one of our TRANS KONTESERAS - Jayson Jiz De Ortega aka Jeniffer Collins.

“Sya po ay kamakailan ay naaksidente (August31, 2017 around 7:30pm), nabangga po ang tricycle na sinasakyan niya.

“Mabilis daw po ang patakbo ng jeep, lasing at mukang naka droga pa daw po.

"umabot na po sa puntong halos mamatay na sia at kailangan ng putulin ang isa nyang binti (RIGHT) samantalang sementado po ang isa (LEFT).

"Malaking Pasasalamat pa din sa Dyos na sya ay binigyan ng panibagong buhay."


Continue reading below ↓


BREADWINNER. Dagdag pa ng kaibigan ni Jennifer, breadwinner daw ito at pinasok ang kung anu-anong trabaho para makatulong sa pamilya.

“Just a brief background, Sya po ay breadwinner, lahat pinasok para kumita- real state agent, kontesera, make up artist, choreographer, Costume maker, in short, Raketera.

Continue reading below ↓

“Kumakayod para sa buong pamilya at sa nangyaring eto ay maaring mahirapan na po sya. Isa po syang mabait na anak, kapatid at kaibigan.”

Dagdag pa ng kaibigan ni Jennifer, “Sya po ay naka confine sa PGH (Philippine General Hospital sa pedro gil) nagpapagaling at nagpapalakas.

“Maari po tayo magpadala ng tulong sa knyang kapatid. Maliit o malaki mang tulong ay napakahalaga na po para sa pang araw araw niyang GAMUTAN at PANGANGAILANGAN.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
noncelebrity, It's Showtime
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang panghihinayang ng mga kaibigan ni "Miss Q & A" contestant Jennifer Collins matapos itong maputulan ng binti. Nabangga kasi ng rumaragasang jeep ang traysikel na sinakyan ng gay breadwinner noong August 30. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results