Toni Gonzaga recalls struggles in early years in showbiz: "Every day ipinapamukha sa 'yo na this is not for you."

by Nerisa Almo
Sep 19, 2017
Toni Gonzaga on her early years in showbiz: "When I was starting in the business, when I was trying to get into the business, parang every day ipinapamukha sa 'yo na this is not for you."

Inamin ni Toni Gonzaga na hindi naging madali ang mga unang taon niya sa showbiz.

Sa ginanap na digital press conference ng pelikulang Last Night noong Linggo, September 17, napag-usapan ang mga pinagdaanang depression ng lead stars nitong sina Toni at Piolo Pascual.

Katulad ni Piolo, naranasan din daw ni Toni ang ma-depress, lalo na noong baguhan pa siya sa showbiz.

Pag-alala niya, “When I was starting in the business, when I was trying to get into the business, parang every day ipinapamukha sa 'yo na this is not for you.

“Parang na-realize ko na when I was trying to get into this business, parang this world will keep on pulling you down and just want you to be face down.”

Hindi naman daw nagpatinag si Toni sa mga pagsubok.

Sabi ni Toni, “Every day, you just have to fight for it.

“Every day, bubugbugin ka ng negativity. Every day, bubugbugin ka, na gusto niya gumagapang sa sahig.

Continue reading below ↓

“Yun ang ipinaparamdam sa 'yo ng mundo, gusto niya bumagsak ka.

“But it's your personal choice to pick yourself up and move and run again and finish your race.

“Never give up.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

CHALLENGES FROM NEWBIES. Samantala, ngayong naitaguyod na ni Toni ang kanyang pangalan sa showbiz, mayroon pa ba siyang ikinababahala, lalo na sa pagdating ng mga baguhang artista?

“Freshness! Honestly, ang fresh nilang tingnan, e. Parang, wow, ang fresh!

“Yung close-up talaga nila, ang gaganda, e,” sagot ni Toni, na tila may halong biro.

Pagkatapos ay sinabi ng 33-year-old TV host-actress na, sa kanyang estado ngayon, marami na siyang natutunan sa industriya.

“Ito naman yung isang... well, hindi naman maipagmamalaki, pero isa ito sa parang feeling mo, na-earn mo.

“Kasi, every line na makikita mo sa mata mo or sa mukha mo, you've earned that sa bawat pelikula, bawat project na ginawa mo, bawat luhang iniyak mo, at life experiences na pinagdaanan mo.

Continue reading below ↓

“That's what you're bringing in the table. Hindi mo naman ipagpapalit yun.

“I think that, sinabi rin ni Inang [Olivia Lamasan, director] yun, 'Life experiences make you a better actress.'

“Kasi, kapag mas marami kang pinagdaanan, mas marami kang pinaghuhugutan.”

Bilang pagtatapos, pabirong idinagdag ni Toni ang natutunan niya mula sa direktor nila sa pelikulang Last Night, na si Joyce Bernal.

“Sabi niya, 'Laban! Lumaban ka, Tin, galingan mo! Raaaavan!'”

Read Next
Read More Stories About
Toni Gonzaga, Piolo Pascual
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga on her early years in showbiz: "When I was starting in the business, when I was trying to get into the business, parang every day ipinapamukha sa 'yo na this is not for you."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results