Kris Aquino not invited to Ai-Ai delas Alas-Gerald Sibayan wedding?

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2017
Ai-Ai delas Alas on questions about Kris Aquino being invited to her wedding or not: "Importante sa akin ang araw na yun, kaya sana huwag nang intrigahin. Sana isaalang-alang at igalang nila ang feelings ko."

Nagsalita na si Ai-Ai delas Alas sa mga nagtatanong kung imbitado ba si Kris Aquino sa church wedding nila ni Gerald Sibayan sa December 12, 2017.

Dating matalik na magkaibigan sina Ai-Ai at Kris noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN, ngunit nagkaroon ito ng lamat dahil sa isang personal na isyu nila noon.

Bagamat nagkaayos na sila, hindi na nanumbalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan.

Ngunit marami pa rin ang gustong malaman kung imbitado ba si Kris sa nalalapit na pagpapakasal ni Ai-Ai.

Paiwas na sagot ng Kapuso comedy queen, “Importante sa akin ang araw na yun, kaya sana huwag nang intrigahin.

“Sana isaalang-alang at igalang nila ang feelings ko.

“Mas pipiliin ko na huwag sagutin ang mga intriguing question dahil kahit ano pa ang isagot ko, siguradong may sasabihin ang haters at bashers.

“Sabi nga, ‘There’s always peace in silence. A meaningful silence is always better than meaningless words.’”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa contract signing niya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Pitalicious Shawarma, na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City, ngayong Lunes, September 25.

STORIES WE ARE TRACKING

SOPHIA'S ANSWER. Dito ay napag-usapan ang isyu ng imbitasyon kay Kris dahil sinagot ng anak ni Ai-Ai na si Sophia ang tanong ng isa niyang follower sa Instagram.

Tanong ng netizen: “Ms. Ai-Ai, why is Kris Aquino not invited to your wedding?”

Sagot ni Sophia: “Does she have to be? Being ‘okay’ with someone doesn’t give you an invite to a wedding.”

Ipinagtanggol naman ni Ai-Ai ang anak sa naging sagot nito.

Paliwanag niya, “Alam niyo naman si Sophia, ano talaga yun… siya ang sumasagot sa mga basher ko, noon-noon pa.

“Saka palaban talaga yun. Pang-showbiz nga siya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, anak, kapag nag-showbiz ka, ang saya-saya ng showbiz kasi mataray ka.’

“Palaban siya na elegante, kasi English-speaking, e.

Continue reading below ↓

“Ako, kung makipag-away ako, Tagalog. Siya, English.”

Patuloy ni Ai-Ai, “Sinasabihan ko siya, minsan yung iba diyan, nang-aasar lang.

“Saka yung iba diyan, hindi natin alam, sila-sila rin ang gumagawa.

“Sabi ko, 'Huwag mo nang pansinin, nagpapapansin lang ‘yan.'

“Saka ganoon naman ang bashers, kapag pinag-uusapan ka, doon ka bina-bash.

“Kapag hindi ka naman pinag-uusapan, hindi ka nila ibina-bash, e.

“Siguro masaya sila kasi pinatulan sila ni Sophia.

“Ako naman, hindi pumapatol. Tahimik lang ako.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on questions about Kris Aquino being invited to her wedding or not: "Importante sa akin ang araw na yun, kaya sana huwag nang intrigahin. Sana isaalang-alang at igalang nila ang feelings ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results