Ellen Adarna dismisses pregnancy rumor; says she's not related to Jay Sonza

by Nerisa Almo
Oct 12, 2017
"We are not related," said Ellen Adarna, dismissing assumptions that she is the pregnant "Elena" in broadcaster Jay Sonza's Facebook post.

Pinabulaanan ni Ellen Adarna na buntis siya.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol dito nang kumalat sa social media ang Facebook post ng veteran newcaster na si Jay Sonza, kung saan makikita ang umano'y usapan nila ng pamangkin niyang si "Elena."

Sa post niyang ito kahapon, October 11, ibinahagi ni Jay ang pag-uusap nila ng kanyang "niece" na "namamasyal at nagpapahinga" sa abroad.

Sa isang bahagi, masayang ibinalita ng pamangkin ni Jay na malapit nang maging lolo ang dating host ng Mel & Jay.

Inaya rin ni "Elena" si Jay na puntahan siya dahil nag-propose na raw umano sa kanya ang kasintahan.

Nang tanungin ni Jay kung nasaan ang pamangkin, ang sagot daw nito sa kanya: "Diba sabi mo sakin pag gusto kong mamahinga at mamasyal ay puntahan ko ang saint tropez, nice, morocco or venice, am here tito."

Sa umpisa ng kanyang post, mapapansin ang tila disclaimer ni Jay na: "HINDI ITO BREAKING NEWS."

Sa dulo naman ay may isa pang mensahe ang 62-year-old broadcaster para sa makababasa ng kanyang post.

"Nakupo nandiyan pala kayo. Sorry ha, I just got carried away with the good news from 'niece.'"

Continue reading below ↓

INTRIGUING POST. Maraming netizens ang nagsimulang magtanong kung si Ellen Adarna ang "Elena" na tinutukoy ni Jay, at kung si John Lloyd Cruz ang kasintahan nito.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe si Ellen, 29, kasama ang rumored boyfriend niyang si John Lloyd, 34.

Kabilang sa mga napuntahan na nilang lugar ang Morocco, na isa rin sa mga nabanggit na lugar ng "niece" ni Jay sa Facebook post ng huli.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓




NOT RELATED. Sa pamamagitan ng Facebook Messenger ngayong Huwebes, October 12, humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula kay Ellen tungkol sa viral post ni Jay Sonza.

Agad naman siyang sumagot at nilinaw ni Ellen na hindi siya ang "Elena" na pamangkin ng newscaster.

Bagamat hindi raw siya sigurado kung nagkakilala na sila nang personal ni Jay, sabi ni Ellen, "We're definitely not related."

Continue reading below ↓

Si Ellen ay taga-Cebu City, habang si Jay ay tubong Macabebe, Pampanga.

Sa pamamagitan din ng Facebook Messenger, sinubukan ng PEP na humingi ng paglilinaw mula kay Jay Sonza. Ngunit wala pa itong sagot sa aming mensahe.

Base sa huling social media posts ni Ellen, nasa Paris, France, sila ngayon ni John Lloyd.

Bago ito ay inanunsiyo ng ABS-CBN na naka-"indefinite leave" ang aktor mula sa showbiz.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We are not related," said Ellen Adarna, dismissing assumptions that she is the pregnant "Elena" in broadcaster Jay Sonza's Facebook post.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results