Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Miho Nishida admits being courted by hip-hop artist Young JV Kapunan

by Arniel C. Serato
Oct 24, 2017
Nasa "getting to know each other" stage pa lamang daw ang relasyon ng PBB 737 big winner na si Miho Nishida at ng rapper na si Young JV Kapunan. Pero masaya raw si Miho dahil may nagpapasaya ngayon sa puso niya.

May bago nang nagpapasaya sa puso ni Miho Nihsida—ang hip-hop artist at aktor na si Young JV Kapunan.

Ito ang rebelasyon ng Pinoy Big Brother 737 Big Winner sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media, sa White Chucks Party kagabi, October 23.

Pahayag ni Miho tungkol sa lagay ng kanyang puso, “Oo, masaya naman ako ngayon.

"Kasi merong nagpapasaya ng puso ko, bilang isang kaibigan, dahil wala namang masama makipagkaibigan at kilalanin mo yung isang tao.

“So, ayun, ini-enjoy ko lang yung bawat araw.”

Ngunit nilinaw ni Miho na magkaibigan pa lang ang estado nila ni Young JV.

Nililigawan na ba siya ni Young JV?

Tugon ng 24-year-old PBB winner, "Ako ba talaga magsasalita?"

Pero pag-amin din niya, “Oo, nililigawan po niya ako.”

Bakit hindi pa niya sinagot ang 27-year-old hip-hop artist?

Paliwanag ni Miho, “Dahil siyempre, ayoko muna madaliin. Ayoko lang magmadali.

"Kasi siyempre, yung nagawa ko na dati, ayoko na muli siyang ulitin dahil gusto ko getting to know each other po muna.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Miho, hindi maganda ang minamadali ang mga bagay-bagay, lalo na pagdating sa usaping love life.

Ang huling boyfriend ni Miho ay ang housemate niya sa PBB na si Tommy Esguerra, 23.

FOR SHOW? December 19, 2015 sinagot ni Miho si Tommy sa live episode ng It’s Showtime sa segment na "Tomiho: A Love Realiserye."

Na-pressure lang ba siya noon kaya niya sinagot si Tommy sa It’s Showtime?

Pagtanggi ni Miho, “Hindi. Naramdaman ko naman talaga sa kanya na minahal niya ako at mahal niya ako, kaya ko din siya nasagot nung time na yun.

"Pero yun po, wala naman po akong naramdaman na any [pressure].”

Pagkatapos ng dalawang taon ay naghiwalay rin sila.

Nanatili ba silang magkaibigan ni Tommy pagkatapos ng kanilang breakup?

Sagot ni Miho, “Ako, tingin ko sa kanya, friend.

"Hindi ko lang alam sa kanya kong ano tingin niya [sa akin]."

Read Next
Read More Stories About
Miho Nishida
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa "getting to know each other" stage pa lamang daw ang relasyon ng PBB 737 big winner na si Miho Nishida at ng rapper na si Young JV Kapunan. Pero masaya raw si Miho dahil may nagpapasaya ngayon sa puso niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results