Kris Aquino calls herself a "summa cum laude" in getting over an ex

by Rachelle Siazon
Nov 7, 2017
Kris Aquino on past heartbreaks: "Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX."

Idinaan ni Kris Aquino sa biro ang pagiging “summa cum laude” niya pagdating sa “kurso ng how to get over an ex.”

Kaugnay ito ng kanyang Instagram post, kung saan inamin niyang mayroon siyang ex-boyfriend na madalas niyang nakakasamang magkape.

Pahayag ni Kris sa kanyang caption, “A friend sent this to me & i couldn’t stop giggling...

“super relate because minsan umasa rin ako ng dahil sa Starbucks invitation...

“But NATUTO NA KO ng bonggang bongga.”

Ayon sa 46-year-old TV host-actress, bumili na siya ng sarili niyang Nespresso machines para “at home akong nagtitimpla w/ no expectations except just to enjoy the moment. #truth”

Dagdag ni Kris, “P.S. Kaya please wag nang mag lecture about an 'unfaithful boyfriend?' Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX.”

A friend sent this to me & i couldn’t stop giggling... ???? super relate because minsan umasa rin ako ng dahil sa Starbucks invitation... But NATUTO NA KO ng bonggang bongga- that’s why i’ve bought 3 Nespresso machines, 2 for different areas of our home, 1 binabaon for work- and all the capsules of my favorites Dulsao, Bukeela, Linizio, and Vanilio... plus Volluto Decaffeinato... Starbucks- i just ask Jack or Jane to please buy me Chai Tea Latte, soy, no foam... but my coffee, it’s personal... at home akong nagtitimpla w/ no expectations except just to enjoy the moment. #truth (P.S. Kaya please wag nang mag lecture about an “unfaithful boyfriend?” Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX. Having said that, may i invite the blog post author to a Nespresso? Coffee naman tayo pag may time? After all i’m nice in person. ????) ??????

A post shared by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

Ang huling ex-boyfriend ni Kris ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista, na ilang beses ding nakasamang magkape ng TV host-actress noong panahong naging sila.

Continue reading below ↓

Sa kanyang blog post noong February 2015, idinetalye ni Kris na “first Friday of April” ng 2014 nag-propose sa kanya si Mayor Herbert.

Ngunit pagkalipas ng ilang araw, matapos isapubliko ni Kris ang kanilang pagkakamabutihan, ay agad din umanong nakipaghiwalay sa kanya ang alkalde.

Nabanggit din ni Kris na isa sa mga masasakit niyang alaala ay ang kanilang coffee dates.

Aniya, “We went to two Starbucks with drive through windows, and I’ve also never gone back to those places.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on past heartbreaks: "Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results