Gloria Diaz on preggy daughter Isabelle Daza's jump dance: "Hopefully, kung matibay, e, di okay."

by Melba R. Llanera
Nov 15, 2017
Gloria Diaz on being a grandmother: "Medyo handa, excited. Sabi ko nga sa anak ko, bahala siya sa buhay niya, iwan niya lang ang anak niya sa akin. Si Belle, pag may sinabi ka sa kanya, parang sometimes, she'll say, 'Mom, you're so controlling.' From now on, leave your baby to me, ako na ang bahala."

Nag-viral sa social media ang video ni Isabelle Daza na tumatalon habang nagsasayaw, sa saliw ng kantang “Despacito,” sa reception ng kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand.

Limang buwang buntis ngayon si Isabelle sa unang anak nila ng mister niyang si Adrien Semblat.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngunit tila hindi naman nababahala rito ang ina ni Isabelle na si Gloria Diaz.

Pahayag ng beteranang aktres, “Bahala siya, di ba? Hopefully, kung matibay, e, di okay.

“Ako nga, when I was pregnant with Belle, nangangabayo ako until mga eight months.

"Makapit, kapit-tuko."

Ano naman ang nararamdaman niya ngayong malapit na siyang maging isang lola?

Tugon ng kauna-unahang Pinay Miss Universe, “Medyo handa, excited.

“Sabi ko nga sa anak ko, bahala siya sa buhay niya, iwan niya lang ang anak niya sa akin.

“Si Belle, pag may sinabi ka sa kanya, parang sometimes, she’ll say, ‘Mom, you’re so controlling.’

Continue reading below ↓

“From now on, leave your baby to me, ako na ang bahala.”

PINAY BEAUTY QUEENS. Ano naman ang masasabi ng kauna-unahang Pinay Miss Universe sa sunud-sunod na pagkapanalo ng Pilipinas sa international beauty pageants?

Noong nakaraang linggo ay nanalong Miss Earth 2017 si Karen Ibasco, habang kinoronahan namang Reina Hispanoamericana 2017 si Teresita Ssen Marquez.

STORIES WE ARE TRACKING

Pahayag ni Gloria, “Fantastic! Ibig sabihin, lalo tayong gumaganda, lalo tayong kumu-confident.

“I think all of that adds, e, the more confident they are, ibang-iba ang dating.

“They always say, you don’t necessarily have to be the most beautiful, it’s the way you project yourself.

“I’m happy, I’m happy that they are all winning.”

LESBIAN ROLE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gloria sa gala night ng Cinema One Originals entry na Si Chedeng at Si Apple, na ginanap sa Cinema 2 ng Trinoma Mall, noong Lunes, November 13.

Continue reading below ↓

Excited daw si Gloria sa kinalabasan ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Elizabeth Oropesa.

Gumaganap dito si Gloria bilang isang senior citizen na nag-come out bilang lesbian.

Saad niya, “I want to see, I’m excited, and I want to know if I done better.

“I’m shy, I don’t wanna be judged.

“A friend of mine texted me, I think they saw a part of it, the first thing they said, ‘Mayroon bang lesbianang walang kissing scene? Torrid kissing scene?’

“Sabi ko, ‘Hindi ko alam, titingnan ko muna.’”

Masaya rin ang dating beauty queen sa pagsasama nilang muli ni Elizabeth sa pelikula.

Una silang nagkasama sa launching movie ni Gloria na Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa noong 1974.

Sabi niya, “I love it, I love working with her.

“Of course, she reminisce the past the whole time. We became even better friends.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloria Diaz on being a grandmother: "Medyo handa, excited. Sabi ko nga sa anak ko, bahala siya sa buhay niya, iwan niya lang ang anak niya sa akin. Si Belle, pag may sinabi ka sa kanya, parang sometimes, she'll say, 'Mom, you're so controlling.' From now on, leave your baby to me, ako na ang bahala."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results