Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

John Lloyd Cruz meets President Rodrigo Duterte at a wake; goes to U.S.

by Rachelle Siazon
Nov 17, 2017
Seen above is a photo of John Lloyd Cruz (rightmost, in polo shirt) shaking hands with President Rodrigo Duterte (leftmost) taken at the wake of the late Lupe Romulo few days ago.

Pagkatapos ng halos isang buwang bakasyon sa Europe, namataan ang rumored couple na sina John Lloyd Cruz, 34, at Ellen Adarna, 29, sa burol ni Lupe Romulo ilang araw ang nakararaan.

Si Lupe ay anak ni dating Department of Foreign Affairs Secretary at Senator Alberto Romulo.

Matalik na kaibigan naman ni John Lloyd si Erwin Romulo, kapatid ng namayapa.

Sa burol, tiyempong nakasabay nina John Lloyd at Ellen si President Rodrigo Duterte sa pag-abot ng kanilang simpatiya sa pamilya Romulo.

Base sa kumalat nilang mga larawan sa social media, personal na nakilala ni John Lloyd ang Pangulo.

???? ctto . #ellenadarna #johnlloydcruz #jlcellen #ellen #johnlloyd #johnlloydellen #babylove #adarna

A post shared by Baby Love ????? (@jlc_ellen) on

Sa isang hiwalay na larawan ay makikita namang nakaupo si Ellen malapit sa puwesto ni President Duterte.

Si Ellen ay ex-girlfriend ng anak ng Pangulo na si Sebastian "Baste" Duterte.

Noong kasagsagan ng kanilang relasyon, minsang nagbiro si President Duterte na mahirap hagilapin si Baste dahil mas madalas itong kasama ng Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

???? ctto . #ellenadarna #johnlloydcruz #jlcellen #ellen #johnlloyd #johnlloydellen #babylove #adarna

A post shared by Baby Love ????? (@jlc_ellen) on

U.S. TRIP. Samantala, tila tuloy pa rin ang "indefinite leave of absence" ni John Lloyd mula sa kanyang showbiz engagements.

Ito ay sa kadahilanang namataan ang 34-year-old actor sa JFK International Airport sa New York kahapon, November 15.

Sa Instagram post ng isang fan account na may handle name na @popoy_gonzales, nakasaad na nakatakdang daluhan ni John Lloyd ang kasal ng kanyang pinsang naninirahan doon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa comments thread ng parehong post, sinabi ni @popoy_gonzales na binisita rin daw ng aktor ang dalawa niyang nakatatandang kapatid, sina Gil at Allan, doon sa U.S.

EURO TRIP. October 6 nang mag-isyu ang Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, na kumuha ng "indefinite leave of absence" si John Lloyd mula sa kanyang trabaho.

Pagkalipas ng dalawang araw, nagtungo si John Lloyd at ang rumored girlfriend nitong si Ellen sa Europe upang magbakasyon sa Morocco, Paris, at Switzerland.

Dumalo rin sila sa kasal ng stylist-friend ng aktor na si Rex Atienza at Jay Sarmiento sa Paris.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seen above is a photo of John Lloyd Cruz (rightmost, in polo shirt) shaking hands with President Rodrigo Duterte (leftmost) taken at the wake of the late Lupe Romulo few days ago.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results