Maine Mendoza returns to Eat Bulaga! on January 1, 2018

by Arniel C. Serato
Dec 19, 2017
Kailangan lang daw magpahinga ni Maine Mendoza ng ilang linggo sa Eat Bulaga! kaya ito nagbakasyon sa Amerika. Babalik daw ito sa show sa January 1, 2018. 

Kinumpirma ng manager ni Maine Mendoza na babalik na sa Eat Bulaga! ang kalahati ng AlDub loveteam sa January 1, 2018.

Magta-tatlong linggo nang hindi napapanood si Maine sa noontime show na umeere sa Kapuso network.

Ang pagkawala ng TV host-actress sa Eat Bulaga! ay bunsod ng bashing na naranasan nito matapos mabalitaan ng fans na nakipag-group date siya kasama si Jake Ejercito.

Kasalukuyang nasa U.S. ang Dubsmash Queen kasama ang kanyang pamilya.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa ulat ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ngayong Martes, December 19, kinumpirma ni Rams David na babalik na si Maine sa Kapuso noontime show.

Live kasi ang Eat Bulaga! tuwing Bagong Taon at lahat daw ng hosts ay mapapanood sa show.

Ayon kay Rams, “Definitely she’ll be back.

"Alam naman nating she’s having a good time sa States with her family. Doon sila magki-Christmas.”

Dagdag pa sa ulat, kailangan daw makapagpahinga kahit ilang linggo ng phenomenal star dahil na rin sa pagod at sa dami ng trabaho nito.

Continue reading below ↓

Ani Rams, “Sobrang napagod sa rami ng trabaho.

"Saka remember, hindi naman siya showbiz, di ba?

"So, two years na mahigit na para siyang a fish out of the water. Bigla nating itinulak sa jungle!

"Dalawang taon niyang hinarap ang lahat ng challenges, ups and downs. Lahat."

Tungkol naman sa open letter na ginawa ni Maine para sa fans nila ni Alden Richards, hindi raw ibig sabihin nito ay tatalikuran na ni Maine ang showbiz.

Saad ni Rams, “Yung open letter naman doesn’t mean na umayaw siya.

"Ang daming speculations na kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala.

"None of those speculations are true!

“Ang totoo lang, nagbakasyon lang siya. Kasi Pasko naman. She deserves it.”

Tuloy na rin daw ang movie na pagsasamahan nina Maine at Alden.

Na-delay lamang daw ito dahil binago ang takbo ng istorya.

Pinabulaanan naman ni Vic Sotto ang napapabalitang suspendido si Maine sa show dahil sa kanyang ginawang open letter.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
maine mendoza
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kailangan lang daw magpahinga ni Maine Mendoza ng ilang linggo sa Eat Bulaga! kaya ito nagbakasyon sa Amerika. Babalik daw ito sa show sa January 1, 2018. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results