PEP YEARENDER 2017: Bong Revilla, Mark Anthony Fernandez, Dennis Roldan, other celebs behind bars

by Arniel C. Serato
Dec 24, 2017
Malungkot ang Pasko ng ilang mga artista dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin sila sa kulungan, gaya nina Krista Miller (pangatlo mula kaliwa) at Sabrina M (dulong kanan). Habang sina dating Senador Bong Revilla Jr. (dulong kaliwa) at Mark Anthony Fernandez (pangalawa mula kaliwa) ay makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.

Ayon sa kasabihan, ang Pasko ang pinakaespesyal na araw sa buong taon upang magkasama-sama ang buong pamilya.

Bongga man o simpleng handaan, tiyak sapat ang kaligayahang mararamdaman ng bawat isa kapag buo ang pamilya sa araw na iyon.

May lechon, hamon man o wala, aging tuyo, pansit o sardinas man ang handa, hindi nito matutumbasan ang kasiyahang nararamdaman ng bawat isa kapag sa salu-salo ay magkakasama.

Ngunit marami rin sa ating mga kababayan ang magdiriwang ng Pasko nang may halong kalungkutan dahil ang ilan sa kanilang mga mahal sa buhay ay nasa malalayong lugar, pumanaw na, nagtatrabaho sa ibayong dagat, o kaya naman ay nakapiit sa kulungan.

Sa showbiz, may ilan ding celebrities ang ganito ang mararamdaman ngayong Kapaskuhan dahil ilan sa kanila ay nakakulong mismo sa mga piitan.

Ngayong Pasko 2017, babalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga personalidad na nahaharap sa samu’t saring asunto o kaso sa korte at ngayon ay nakakulong sa piitan.

Continue reading below ↓

Pero ang ilan sa kanila ay nakalaya na at makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.

MARK ANTHONY FERNANDEZ, marijuana possession and transportation of illegal drugs

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Courtesy: PNP Region 3

October 3 2017, nahuli ng pulisya ng Angeles, Pampanga ang 37-year-old actor na si Mark Fernandez dahil sa dala-dala nitong isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang kotse.

Continue reading below ↓

Nakipaghabulan pa si Mark sa mga miyembro ng Philippine National Police Region 3, ngunit kalaunan ay nakorner din ang anak nina Alma Moreno at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Naharap si Mark sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o hindi magandang asal sa checkpoints; at Sections 5 (possession), 11 (transporting), at 12 (testing positive) sa Article 2 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 1992.

Non-bailable ang mga reklamong kinaharap ng aktor kaya siya nakulong.

Naghain ng not guilty plea si Mark sa arraignment ng kaso laban sa kanya noong nakaraang December 12.

At nito lamang December 22, Biyernes, kumpirmadong nakalabas na ng kulungan ang aktor matapos ma-dismiss ang kaso niyang transportation of illegal drugs.

STORIES WE ARE TRACKING

BONG REVILLA JR. & JINGGOY ESTRADA, plunder and graft


Continue reading below ↓

Taong 2014, hinuli ang noo’y mga senador pang sina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada dahil sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng bilyong-pisong pork barrel scam mula sa bogus non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Mula noon, nakapiit na sina Bong at Jinggoy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinaboran ng korte ang bail petition ni Bong.

Samantalang si Jinggoy ay nakalabas pagkatapos magpiyansa ng P1.33 million.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan Special 5th Division, sinabi ritong walang matibay na ebidensiya na si Jinggoy ay siyang “main plunderer” ng pork barrel scam.

Sinabi rin ditong ang itinuturong mastermind ng scam na si Napoles ang may “extensive control” sa scam.

Sa kabilang banda, binigyan naman ng Christmas furlough ng korte si Revilla sa loob ng sampung oras ngayong December 24 upang makapiling nito ang kanyang pamilya.

STORIES WE ARE TRACKING

DENNIS ROLDAN, kidnapping


Continue reading below ↓

Agosto 2014 nang hinatulang guilty ng Pasig City Regional Trial Court ang aktor na si Dennis Roldan dahil sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Kasama sa sentensiya ni Dennis ang reclusion perpetua o pagkakakulong ng 30 taon, multang P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages, at P100,000 para sa exemplary damages sa pamilya ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang ama ng volleyball player na si Michelle Gumabao at aktor na si Marco Gumabao.

Sa isang panayam kay Marco, sinabi nitong may naidulot na maganda ang nangyari sa ama sa kanilang pamilya.

Aniya, “Yung family talaga namin, solid ngayon.

“Kung siguro, kung nagtuluy-tuloy yung noon, who knows, baka separated ang parents namin, di ba?

“Everyone knows naman before that my dad was chickboy, babaero.

“Kaya nga siya napasama sa kasong 'yan dahil sa kabit niya, di ba?

“So, para sa akin, it actually became a blessing.

Continue reading below ↓

“Kasi, for other people, it would look like devastating, kasi nga nakulong.

“Pero para sa family namin, nung nakulong siya, naging pastor siya, naging Born Again Christians kami—dun naging solid ang family namin.”

STORIES WE ARE TRACKING

SABRINA M, illegal drugs


Setyembre 2016 nang maaresto ang dating sexy star na si Sabrina M sa isang buy-bust operation sa tirahan nito sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Continue reading below ↓

Nahulihan si Sabrina ng shabu na may halagang P6,000.

Naaktuhan ding nagpa-pot session si Sabrina at mga kaibigan nito sa kanyang bahay.

Nahaharap ang 37-year-old former sexy star sa mga reklamong may kaugnayan sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

STORIES WE ARE TRACKING

Continue reading below ↓

October 2016 din naaresto ang starlet na si Krista Miller sa isang buy-bust operation.

Sa buy-bust operation ng Quezon City Police District, nahulihan si Krista ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 nang maaktuhan siyang nagbenta sa isang police na nagpanggap na buyer.

Si Krista ay pinagdudahang naging mistress ni Cesar Montano na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Sunshine Cruz.

STORIES WE ARE TRACKING

DJ KAREN BORDADOR, illegal drugs


Continue reading below ↓

Agosto 2016 nang mahuli ng pulisya dahil sa ilegal na droga ang radio DJ na si Karen Bordador sa isinagawang buy-bust operation sa condo unit ng boyfriend nitong si Emilio Lim.

Nahulihan sila ng P2.8 million halaga ng marijuana at iba't ibang flavors ng ecstacy.

Sa ngayon ay nahaharap sina Bordador at Lim nang patung-patong na reklamo tungkol sa illegal drugs.

Kabilang na rito ang akusasyong supplier ng party drugs si Lim sa ilang bars sa Makati City at Bonifacio Global City sa Taguig.

STORIES WE ARE TRACKING

RJ BAUTISTA, murder


Continue reading below ↓

Si Ramon Joseph 'RJ' Bautista ang pangunahing suspect sa pagpatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ramgen Jose 'Ramgen' Revilla noong madaling-araw ng October 28, 2011.

Ang hindi diumano pagkakasundo sa hatian sa buwanang sustentong P1 milyon mula sa ama nilang si dating denador Ramon Revilla Sr. ang dahilan ng pagpaslang kay Ram.

Bukod kay RJ, suspect din ang isa pa nilang kapatid sa krimen na si Ramona Bautista.

Sina Ramgen, RJ, at Ramona ay mga anak ni Revilla Sr. kay Genelyn Magsaysay.

Sa ngayon, nanatiling nasa kulungan si RJ dahil hindi pinagbigyan ng korte ang kanyang bail petition.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
PEP yearender 2017
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malungkot ang Pasko ng ilang mga artista dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin sila sa kulungan, gaya nina Krista Miller (pangatlo mula kaliwa) at Sabrina M (dulong kanan). Habang sina dating Senador Bong Revilla Jr. (dulong kaliwa) at Mark Anthony Fernandez (pangalawa mula kaliwa) ay makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results