Lolit Solis stands by story on John Lloyd Cruz-Ellen Adarna wedding preparations

by Bernie V. Franco
Jan 10, 2018
Despite a recent misunderstanding with couple John Lloyd Cruz and Ellen Adarna (left photo), veteran entertainment columnist Lolit Solis (right) wishes the celebrity couple the best of luck. 

Pinaninidigan ng beteranong entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis ang inilabas niyang impormasyong tungkol sa diumano’y wedding preparations nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ito ang laman ng pinakahuling Instagram status ni Manay Lolit—ang tawag kay Lolit sa showbiz—kaugnay ng patutsada sa kanya nina John Lloyd at Ellen sa social media.

Nagsimula ang pasaringan ng dalawang kampo nang ibinahagi ni Manay Lolit sa Instagram nitong weekend ang impormasyon mula sa kanyang source na taga-Cebu na nagsabing naghahanda na diumano sina John Lloyd at Ellen sa kanilang pagpapakasal sa Pebrero.

Itinanggi naman ni Beauty Gonzalez, malapit na kaibigan ni Ellen, na may kasalang magaganap.

STORIES WE ARE TRACKING

Kasunod ito, pinatutsadahan ng celebrity couple si Manay Lolit nang mag-post sila ng videos na may pangungutya.

Caption ni John Lloyd dito: "take it, take it"

Ang "take it, take it" ay ang sumikat na catchphrase sa kasagsagan ng Manila Film Festival scam noong 1994, kung saan napatunayang si Manay Lolit ang may pakana.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Sa kanyang Instagram status kahapon, January 9, sinabi ni Manay Lolit na natatawa siya sa nakuhang atensiyon ng kanyang Instagram post.

Pahayag niya: “kasi nga minsan, kalat na balita, pero pag sinulat o nag-comment ako, para bang last nail that sealed the coffin ang dating.

"...ayoko ilagay sa ulo na para bang lahat sabihin ko, lahat they take it seriously, so serious na para bang katabi ako ng dalawa ng nag-plano?”

Diin pa ng talent manager sa Instagram pa rin: “Sabi ko, may source na nagparating sa akin ng balita, credible dahil taga-cebu at connected sa lugar kung saan sinasabi nag-order iyon miyembro ng pamilya ni Ellen, so dapat lang gawin i confirm o i deny, so what is the big fuzz?”

Wala ring balak si Lolit na bawiin ang inilabas na impormasyon tungkol sa diumano'y gaganaping kasal.

“Di ko kilala personally John Lloyd at Ellen but I admire them.

Continue reading below ↓

"kung na upset sila na naunahan ng balita mga plano nila, wala ako magagawa, parte iyon ng trabaho.

“Sayang dahil I really admire the couple, pero I will always stand by my story.

"kung mali man source ko, I still feel thankful that pinadadalhan nila ako balita, tulad ng pinadala nila photo ni Ellen at JLC na nagpa check up sa clinic.

"out of the blue, may nagpi feed ng balita, at bilang writer, hindi mo puwede ignore lalo kasing hot ng dalawa.”

Sinubukan daw niyang i-verify kung totoo ang impormasyon ng kanyang source.

Saad ni Manay Lolit, “We do checking pero di naman mag-confirm iyon hotel dahil may usapan siyempre ng confidentiality, or the clinic, pero hayan naman photo.

"so be it, may magagalit, may hindi maniniwala, pero later on malalaman na rin tutoo, wait lang tayo.

"to Ellen and JLC, basta be happy at best wishes."

Continue reading below ↓

Naku laugh ako to death ha, kalokah Salve ha , lakas naman sobra dating ko para magkagulo showbiz at pati John Lloyd Cruz at Ellen Adarna mag shoot pa video para mag relay message sa akin .minsan tuloy naiisip ko iyon madalas itanong ni MJ paborito ko bata pag may sinasabi ako , 'wawah joke ba o tutoo iyon promise mo ' ,kasi nga minsan kalat na balita pero pag sinulat o nag-comment ako para bang last nail that sealed the coffin ang dating , ayoko ilagay sa ulo na para bang lahat sabihin ko lahat they take it seriously , so serious na para bang katabi ako ng dalawa ng nag-plano? Sabi ko , may source na nagparating sa akin ng balita , credible dahil taga-cebu at connected sa lugar kung saan sinasabi nag-order iyon miyembro ng pamilya ni Ellen , so dapat lang gawin i confirm o i deny , so what is the big fuzz ? Di ko kilala personally John Lloyd at Ellen but I admire them ,kung na upset sila na naunahan ng balita mga plano nila wala ako magagawa , parte iyon ng trabaho. Sayang dahil I really admire the couple , pero I will always stand by my story , kung mali man source ko , I still feel thankful that pinadadalhan nila ako balita tulad ng pinadala nila photo ni Ellen at JLC na nagpa check up sa clinic , out of the blue may nagpi feed ng balita , at bilang writer hindi mo puwede ignore lalo kasing hot ng dalawa. We do checking pero di naman mag-confirm iyon hotel dahil may usapan siyempre ng confidentiality , or the clinic pero hayan naman photo , so be it , may magagalit , may hindi maniniwala, pero later on malalaman na rin tutoo , wait lang tayo , to Ellen and JLC basta be happy at best wishes. ????????????? #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Read Next
Read More Stories About
Lolit Solis
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite a recent misunderstanding with couple John Lloyd Cruz and Ellen Adarna (left photo), veteran entertainment columnist Lolit Solis (right) wishes the celebrity couple the best of luck. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results