Donita Rose reveals how she discovered ex-husband was cheating on her

by Arniel C. Serato
Feb 14, 2018
Naka-move on na raw si Donita Rose sa hiwalayan nila ng asawang si Eric Villarama. Hindi lang niya maiwasang alalahanin ang panahon kung paano niya nalaman ang pambababae nito noon.

Matapos ang halos tatlong taon, inihayag ni Donita Rose na totally ay nalagpasan na niya ang malungkot na bahagi ng kanyang buhay may-asawa.

Labindalawang taon silang nagsama ng ex-husband niyang si Eric Villarama, ngunit naghiwalay sila noong 2016.

Sa episode ng Magandang Buhay ng ABS-CBN kahapon, February 13, inilahad ng TV host/actress /celebrity chef ang ilang detalye ng kanilang hiwalayan ni Eric.

Kabilang na rito kung paano niya natuklasan ang pakikipagrelasyon ng asawa sa ibang babae.

Nagsimula raw ang kanilang pag-aaway mula nang nanirahan sila sa Amerika.

Lahad ni Donita, "Napansin ko na medyo off na yung relasyon namin.

"From the Philippines kasi, we moved to US.

"Kasi sabi niya, he felt na he is not man of the house, because siyempre sa Pilipinas, may career ako, parang kinu-compare kaming dalawa.

“So, we moved to the US.

"Ang pagkakamali namin is we moved in with my mom's side of the family.

Continue reading below ↓

"So, nagkaroon ng tensions between my family and him.

"And then, nag-request siya… noong medyo nagkaroon ng LQ-LQ [lovers' quarrel], nag-request siya ng time out.

“So, nag-move out siya on his own.

"Doon ako kinabahan na, kasi hindi kami naniniwala sa separation."

Nadagdagan pa raw ang hindi nila pagkakaintindihan nang bumalik si Donita sa Pilipinas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“So, at that time, nagkaroon ako ng offer back dito sa Pilipinas.

“And financially, things are tough for me personally, and hindi siya tumutulong.

“So, sabi niya sa akin, ‘I want you to take this job, you have to obey me.’

“So, bumalik ako dito.

"Pero things were off and I started going for marital counselling and stuff like that.

“And then, siya yung nag-initiate ng counselling.

"So, akala ko okay kami, kasi he would call five times a day, many times in a day.

"Sasabihin niya sa akin, ‘You are beautiful.’ Ang dami niyang sinasabi.

Continue reading below ↓

"Akala ko, it’s the right thing, we are on the right track.

"But, in my heart, something was telling me different."

Kasunod daw nito, nagkaroon ng confusion sa kanyang nararamdaman para sa asawa.

Lahad niya, “Kasi nagpapa-counselling ako sa mga psychologists and pastors, so I would say, 'Bakit siya nagpadala ng romantic video sa akin?'

“Siya ang gumawa ng video. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya ma-appreciate.

“There’s something wrong with me.

"Yun pala, it was God’s way in telling me na there’s something wrong talaga…”

THE CALL. Naninibago raw siya noon kung bakit lagi siyang nagigising ng alanganing oras sa gabi.

Hindi raw ito normal sa kanya dahil “heavy sleeper” siya.

Saad ni Donita, “And then, leading up to the time na nalaman ko na may iba, hindi ako…

"Kasi sa gabi, kapag natutulog ako, kasi heavy sleeper ako, e, pero that time, gabi-gabi nagigising ako in the middle of the night.

Continue reading below ↓

“Normally, pag ganyan ang itinuro sa akin, mag-pray.

“So, I pray and pray and would go back to sleep, parang one week yun na nagigising ako…

“Hanggang sa Valentine’s day yun. That was three years ago...

"That was Valentine's Day, hindi siya tumawag.

"So, sabi ko, that's strange, baka nakalimutan lang niya.

“Tapos, noong [February] 15 na hindi pa rin siya tumawag, tumawag ako.

"And then, hindi siya sumasagot ng phone, then kinabahan na ako.

“Then, I felt na God was already telling me there's somebody else na.”

Ipinagtaka rin daw niya nang labis kung bakit ibang-iba ang naging reaksiyon ni Eric noong nakausap na niya.

Kuwento ni Donita, “So, noong nakausap ko na siya he said, 'Why are you calling me?'

“Hindi kasi ako ang tumatawag sa kanya, laging siya ang tumatawag sa akin, kasi raw yung connection.

"Naniwala naman ako sa lahat ng [sinasabi niya]. Naniwala naman ako sa lahat ng ano niya...

Continue reading below ↓

"And then, [after] nung Valentine’s, tumawag ako.

"Sabi ko, 'What do you mean why am I calling you? I'm your wife. Saan ka ba?'

“Tapos sabi niya, 'I'm here in this place.'

“Sabi ko, ‘Sabi mo nasa Las Vegas ka, bakit ka nandiyan?'"

Tugon daw ng dating asawa, “'E, kasi maagang natapos ang trabaho, nagyaya ang colleagues ko na mag-surfing.'

“Sabi ko, 'No, may something na mali.'”

Dito na raw niya kinumpronta si Eric tungkol sa kanyang duda na may ibang babae ito.

Saad ni Donita, “Parang may dating sa akin na parang may iba kang kasama ngayon.

“Parang siguro nagulat na lang siya at umamin bigla sa akin. Nagulat ako.

“I was not expecting it.

"Like, the only time I ever felt it na baka mayroon na talaga was the day before.

“So, there's not enough time for me to process na what he was saying, na sinabi na niya yung pangalan ng babae.

Continue reading below ↓

“Sobrang nagulat ako.”

NO CHEATING VOW. Bago sila magpakasal noon, napag-usapan na raw nilang kapag nangaliwa si Eric ay hihiwalayan na niya ito.

Pahayag pa ni Donita, “Just to give you a little bit of background, before ako nag-decide na pakasalan itong lalaki na 'to, in my mind, ginawa ko lahat para mapasiguro na hindi kami…

“I would choose the right man at hindi kami maghihiwalay.

"May usapan kami na if ever na mag-cheat siya, hindi na talaga puwede.

“But, when you’re in that situation at mahal na mahal mo yung tao, gagawin mo ang hindi mo akalain.

“I told him immediately noong sinabi niya yung pangalan ng babae, tapos umiiyak na siya.

“Then I said, 'You know what, I don't understand this, pero I love you and I'm willing to forgive you. I’m willing to...'

"Parang feeling ko, if you’re going to pass this, parang our relationship will be so much stronger.

Continue reading below ↓

"And God will use as as ministers to those who have been brokenhearted in the past, kung paano tayo nakabawi sa nangyari."

NOT READY TO SAVE THEIR MARRIAGE. Matapos daw nito, ipinagpatuloy nila ang marriage counselling sa pag-asang maayos pa ang kanilang pagsasama.

“After that, counselling pa rin nang counselling.

"Siya, nagpapa-counselling sa Amerika. Ako, nagpapa-counselling dito.

“Nag-uusap kami every day, so I thought na gumaganda ulit."

Pero iba raw ang nangyari.

"So, yun pala... nalaman ko na nagkikita pa rin ulit sila [nung babae].

"Hanggang sa nasabi ko na, 'Okay, babalik ako sa Amerika after this project that I'm doing. Tapos mag-usap na tayo, mag-decide ka.'

“'Tapos sabi ko, 'It takes two people to make a marriage work. You have to decide, do you want to save our marriage or not?'

“Tapos sabi niya, 'I'm not ready.'

“In other words, kahit na the person that he was with iniwan siya para sa ibang lalaki, dahil sobrang tagal daw na hiwalayan ako.

Continue reading below ↓

“So, sabi ko, 'Wait a minute, kung iniwan ka ng babae, but you're saying na you are not yet ready to fix us, then malinaw na malinaw na sa akin that you don't want to save our marriage.'

"Then, I will decide na, I have to move on na rin.

"Kasi I think it's too much na, kailangang magkaroon ako ng respeto ako sa sarili."

Sinisi ba niya ang sarili sa kanilang hiwalayan?

Tugon ng aktres, “Oo, naman.

"I think it took about almost two years bago ko sinign-an [pinirmahan] yung divorce papers.

“Alam ko na na may peace na sa puso ko nung nag-sign ako.

"I said, ‘God, hindi ako magsa-sign nitong divorce papers until you give Me the peace.’"

Sa ngayon daw, nananatili naman silang magkaibigan ni Eric.

Co-parenting daw ang paraan nila sa pagpapalaki sa anak nilang si Joshua Paul o JP.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-move on na raw si Donita Rose sa hiwalayan nila ng asawang si Eric Villarama. Hindi lang niya maiwasang alalahanin ang panahon kung paano niya nalaman ang pambababae nito noon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results