Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Robin Padilla on burying the hatchet with Aljur Abrenica: "Isa sa mga dasal ay nagkaroon ng kasagutan."

by Arniel C. Serato
Feb 21, 2018
Ngayong tapos na ang pamamanhikan ni Aljur Abrenica kay Robin Padilla, ama ng fiancée niyang si Kylie Padilla, umuugong naman ang balitang sa darating na Hulyo na idadaos ang kasal nina Aljur at Kylie. 

Kasagutan sa isang dasal.

Ganito inilarawan ni Robin Padilla ang pagkikita at pagkakaayos nila ni Aljur Abrenica, ang fiancé ng anak niyang si Kylie Padilla.

Sa Facebook post ng Sana Dalawa Ang Puso star noong Lunes, February 19, sinabi ni Robin na: “Purihin Ang Panginoon! Isa sa mga Dasal ay nagkaroon ng kasagutan.”

Sinamahan ito ni Robin ng selfie picture nila nina Kylie at Aljur.

Mula nang ihayag nina Aljur at Kylie na engaged na sila nang dalawang beses, sa Japan at Pilipinas, hindi ito nagustuhan ni Robin.

Continue reading below ↓

Sinundan pa ito ng anunsiyo ng showbiz couple na buntis si Kylie at wala pa silang balak magpakasal dahil uunahin daw muna nila ang kapakanan ng bata.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagkaroon naman daw ng ilang attempts si Aljur na makipag-usap kay Robin, ngunit gusto ng ama ni Kylie na maikasal muna ang dalawa bago niya kausapin ang Asintado actor.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa naganap na pamamanhikan ng pamilya ni Aljur sa pamilya ni Robin noong Sabado, February 17, tila nabago ang ihip ng hangin.

Mukhang natanggap na ng beteranong aktor ang sitwasyon nina Aljur at Kylie dahil na rin siguro sa apong si Alas Joaquin.

Bali-balitang sa Hulyo 2018 magaganap ang inaasam-asam ni Robin na kasal ng anak at ni Aljur.

STORIES WE ARE TRACKING

“SALAMAT AT HINDI KA NAGSAWA.” Isa sa masugid na naging tulay upang magkaayos ang magkabilang kampo ay ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguz-Padilla.

Kaya naman sa isang post ni Mariel sa Instagram nitong Lunes din, February 19, nagpasalamat si Robin sa asawa na hindi raw nagsawang pag-ayusin sila ni Aljur.

Continue reading below ↓

Caption ni Mariel sa post niya ng larawan ni Robin kasama sina Kylie at Aljur, “Because FAMILY is EVERYTHING.”

Because FAMILY is EVERYTHING ????????????

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Sa comments section, nag-iwan ng mensahe si Robin para kay Mariel: “Ikaw ang naging tulay @marieltpadilla maraming salamat at hindi ka nagsawa.”

Pinuri naman si Mariel ng ilang netizens dahil sa kanyang ginawa.


Continue reading below ↓

Unang nagkita si Robin at apong si Alas Joaquin sa birthday party ng anak nina Robin at Mariel na si Isabella sa The Fort, Taguig City, noong November 18, 2017.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong tapos na ang pamamanhikan ni Aljur Abrenica kay Robin Padilla, ama ng fiancée niyang si Kylie Padilla, umuugong naman ang balitang sa darating na Hulyo na idadaos ang kasal nina Aljur at Kylie. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results