Rocco Nacino-Melissa Gohing relationship confirmed

by Arniel C. Serato
Mar 6, 2018
Ilang buwan na ang relasyon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino at ng volleyball player na si Melissa Gohing, ngunit gusto raw ng dalawang panatilihing pribado ang usapin tungkol sa kanilang relasyon. 

Kinumpirma ng isang taong malapit sa aktor na si Rocco Nacino na girlfriend na nga nito ang volleyball player na si Melissa Gohing.

Noong 2017 pa raw nagsimulang mag-date ang dalawa, at ilang buwan na rin daw ang kanilang relasyon.

Ayon pa sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hangga't maaari ay gusto nina Rocco at Melissa na maging pribado ang kanilang relasyon kaya hindi sila nag-a-upload ng mga larawang magkasama sa kani-kanilang social media accounts.

Si Melissa ay dating player ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

Sa ngayon, siya ay naglalaro para sa Creamline Cool Smashers ng 2018 Premier Volleyball League (PVL).

Kumalat sa internet noong nakaraang linggo ang larawan nina Rocco at Melissa na kuha sa reception ng kasal ng volleyball star na si Cha Cha Cruz kay Ray Behag sa Tagaytay noong February 28.

A post shared by Benito Araneta (@br.araneta) on

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Rocco Nacino, Melissa Gohing
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang buwan na ang relasyon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino at ng volleyball player na si Melissa Gohing, ngunit gusto raw ng dalawang panatilihing pribado ang usapin tungkol sa kanilang relasyon. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results