Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Nathalie Hart's brother tries his luck in showbiz; joins Ginoong Laguna

by Jojo Gabinete
Mar 8, 2018
Kenneth Snell, younger brother of sexy actress Nathalie Hart, joins Ginoong Laguna pageant in hopes of following the footsteps of former winners Alden Richards and Jeric Gonzales.

Official candidate sa Ginoong Laguna 2018 si Kenneth Snell, ang younger brother ng sexy actress na si Nathalie Hart.

Tatlong taong nagtrabaho si Kenneth bilang chef sa isang restaurant sa New South Wales, Australia, pero nagdesisyon siyang umuwi sa Pilipinas para sumali sa Ginoong Laguna 2018.

Gagamitin niya ang sinalihang male pageant bilang stepping stone dahil sa kanyang kagustuhang pumasok sa showbiz.

Sabi ni Kenneth sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Gusto ko po na mag-showbiz kung susuwertihin ako."

Ipinagtapat ng aspiring actor na si Nathalie ang nagtulak sa kanya para sumali sa Ginoong Laguna dahil gusto rin ng kapatid na mag-artista siya.

"Siya po ang nagpu-push sa akin na mag-artista."

Suportado raw nila ng kanyang mga kapatid ang pagpapaseksi ni Nathalie sa pelikula.

Incidentally, ngayong araw, March 8, ang 24th birthday ni Kenneth.

Ano sa tingin ni Kenneth ang tsansa niyang manalo sa Ginoong Laguna?

"Hindi ko lang sigurado. Marami akong kalaban, pero bibigyan ko sila ng magandang laban," confident na pahayag ni Kenneth.

Continue reading below ↓

Magaganap sa March 16 ang coronation ng Ginoong Laguna 2018 sa Provincial Capitol ng Sta. Cruz, Laguna.

Sina Alden Richards at Jeric Gonzales ang dalawa sa former winners ng Ginoong Laguna na nagkaroon ng oportunidad na maging artista, na pinapangarap din ng kapatid ni Nathalie.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Princess Snell
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kenneth Snell, younger brother of sexy actress Nathalie Hart, joins Ginoong Laguna pageant in hopes of following the footsteps of former winners Alden Richards and Jeric Gonzales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results