Jodi Sta. Maria and Jolo Revilla sweet moments caught on video

by Bernie V. Franco
Mar 13, 2018
In a rare moment, Jodi Sta. Maria is seen being sweet and comfortable with boyfriend Jolo Revilla during the latter's birthday celebration in Rosario, Cavite. 

Sinamahan ni Jodi Sta. Maria ang kasintahang si Jolo Revilla sa kick-off birthday celebration nito sa isang bayan ng Cavite sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong sa mga mangingisda noong Linggo, March 11.

Ipagdiriwang ng actor-politician ang kanyang ika-30 kaarawan sa Huwebes, March 15.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagpasalamat si Jolo sa “my love” niyang si Jodi sa pagsama sa kanya.

Nagtungo ang Cavite vice governor kasama si Jodi sa Isla Bonita, sa Rosario, kung saan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ay pangingisda.

Sa video na in-upload sa Facebook, makikitang game na game ding nakihalubilo ang Sana Dalawa Ang Puso star sa mga residente, kagaya ng pakikipaglaro sa mga bata, picture-taking.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Kitang-kita rin ang pagiging sweet ng magkasintahan, na naka-holding hands pa habang naglalakad at nagkukulitan habang ginaganap ang boodle fight.

Isa ito sa mga pambihirang pagkakataong makikitang sweet ang dalawa na unti-unti nang nagiging vocal sa kanilang relasyon.

Read Next
Read More Stories About
Jodi Sta. Maria, Jolo Revilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a rare moment, Jodi Sta. Maria is seen being sweet and comfortable with boyfriend Jolo Revilla during the latter's birthday celebration in Rosario, Cavite. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results