Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kim Atienza pushes advocacy for Guillain-Barré Syndrome awareness

by Ruel J. Mendoza
Mar 18, 2018
Kim Atienza keeps up his advocacy to help spread awareness about Guillain-Barre Syndrome, a rare disease which he courageously fought five years ago.

Naging open ang Kapamilya TV host na si Kim Atienza tungkol sa naging sakit niya noon, ang Guillain-Barre Syndrome.

Noong 2013 ay nagamot na raw si Kuya Kim sa sakit niyang ito na muntik na niyang ikamatay.

Kaya noong February 28, na tinaguriang Rare Disease Day, nag-post ang 51-year-old TV host sa kanyang Instagram page ng isang larawan na kinunan five years ago, noong ginagamot pa lang siya sa kanyang sakit na Guillain-Barre Syndrome o GBS.

Sa caption ni Kuya Kim, nagpapasalamat siya sa Diyos sa kanyang paggaling at ipinangakong tuluy-tuloy ang pagtulong niya para sa mga nagiging biktima ng sakit na ito.

Karamihan daw sa mga may ganitong sakit sa ating bansa ay mga kabataan, at hiniling ni Kuya Kim na mabigyan ng sapat na atensiyon at tulong ang mga ito.

Narito ang kanyang Instagram post:

Ayon sa Wikipedia, ang sakit na Guillain–Barré syndrome or GBS “is a rapid-onset muscle weakness caused by the immune system damaging the peripheral nervous system. The initial symptoms are typically changes in sensation or pain along with muscle weakness, beginning in the feet and hands. This often spreads to the arms and upper body, with both sides being involved. The symptoms develop over hours to a few weeks. During the acute phase, the disorder can be life-threatening, with about 15% developing weakness of the breathing muscles requiring mechanical ventilation. Some are affected by changes in the function of the autonomic nervous system, which can lead to dangerous abnormalities in heart rate and blood pressure.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kabilang sa mga kilalang tao na nagkaroon ng sakit na GBS ay ang American actor na si Andy Griffith, football player Markus Babbel, British actress Kelly-Marie Stewart, at American Olympic gold medalist Rowdy Gaines.

Read Next
Read More Stories About
Kim Atienza
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza keeps up his advocacy to help spread awareness about Guillain-Barre Syndrome, a rare disease which he courageously fought five years ago.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results