Rowell Santiago supports brother Raymart's relationship with AC Legarda

by Arniel C. Serato
Mar 19, 2018
Matagal na raw kilala ni Rowell Santiago ang girlfriend ngayon ng kapatid na si Raymart Santiago. Suportado raw ng kanilang pamilya ang relasyon ng nakababatang kapatid sa Ayala Land executive na si AC Legarda. 

Suportado ni Rowell Santiago ang relasyon ng kapatid na si Raymart Santiago sa Ayala Land executive na si AC Legarda.

“Kung saan masaya si Raymart, siyempre masaya kami,” pakli ng actor-director.

Si Raymart ay hiwalay na sa asawang si Claudine Barretto, kung saan mayroon silang dalawang anak—sina Sabina at Santino.

Si AC ay hiwalay na rin sa unang asawa nito at mayroon din itong dalawang anak.

Hindi naman daw lingid sa pamilya Santiago ang relasyon ni Raymart kay AC, pinsan ni Senator Loren Legarda.

Sabi ni Rowell, “Matagal ko nang kilala si AC. Matagal na.”

Maligaya rin daw siya para sa nakababatang kapatid.

Aniya, “Kung saan naman maligaya si Raymart, wala namang intriga diyan.”

STORIES WE ARE TRACKING

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rowell sa ginanap na National Breakfast Day ng McDonalds sa Greenhills, San Juan, ngayong Lunes, March 19.

FPJ'S ANG PROBINSYANO. Samantala, ibang excitement ang nararamdaman ngayon ni Rowell sa pagkakasama niya sa cast ng bagong yugto ng FPJ's Ang ProbinsyanoN.

Continue reading below ↓

Gaganap siyang presidente sa prime time series ng ABS-CBN na halos tatlong taon na sa ere.

Pahayag ni Rowell, "Nakaka-excite dahil humahaba nang humahaba ang role.

"Tsaka nung first day namin, pinagsama-sama kaming lahat na bagong papasok sa bagong chapter, 'tapos in-explain sa amin kung saan papunta yung istorya.

"Nakaka-excite dahil parang yung pangalawang libro, parang guns and goons.

"Ngayon naman, parang sa palasyo pupunta ang istorya.

"'Tapos, magkakaroon ng intriga kung anong nangyayari dun.

"And, at the same time, babalik yung parang yung sa pamilya at pagiging nationalistic."

Mabait daw ang role ni Rowell bilang Presidente siya ng bansa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal na raw kilala ni Rowell Santiago ang girlfriend ngayon ng kapatid na si Raymart Santiago. Suportado raw ng kanilang pamilya ang relasyon ng nakababatang kapatid sa Ayala Land executive na si AC Legarda. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results