Viral billboard suitor Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2018
Pagod na raw siyang magtago sa pulisya kaya minabuti ni Xian Gaza na sumuko na lang sa mga ito. Gusto na rin daw niyang magbagong buhay. 

Sumuko na ang negosyanteng si Christian "Xian" Gaza sa Malabon Police Station ngayong Huwebes, April 12.

Nakilala si Xian dahil nag-viral ang billboard invitation niya sa aktres na si Erich Gonzales para sa isang coffee date noong 2017.

Naglabas ang Malabon Metropolitan Trial Court Branch 120 ang Malabon Police Station laban kay Xian kaugnay sa paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.

Biktima diumano ni Xian sa isang investment scam sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online, sinabi ni Xian na kaya siya sumuko dahil pagod na siyang magtago.

Gusto na raw niyang magbagong buhay.

Ayon kina Asuncion at Cruz, tinakbuhan sila ni Xian sa obligasyon nitong malaking halaga ng pera.

Sa pagsuko ni Xian, sinabi nitong gusto niyang magbayad sa dalawa, ngunit wala raw siyang kakayanan sa ngayon dahil bankrupt diumano siya.

Humingi na rin siya ng paumanhin sa kanyang dating mga business partner.

Continue reading below ↓


Nauna nang inanunsiyo ni Xian sa Facebook ang kanyang pagsuko ngayong umaga.

Sabi niya sa kanyang post, “I’m Christian Albert Gaza known as XIAN GAZA, surrendering today.”

Continue reading below ↓

Sa panayam naman ng Philippine STAR sa kanya, nakiusap si Xian sa kanyang mga kaibigan at supporters na tulungan siyang makalikom ng pampiyansa.

Saad niya, “Friends and supporters, I really need about P160,000 right now. I hope you could help me.

"Gusto ko na makalabas, I want to start a new life.

“Nagkamali ako, I became a scammer, I became a fraud.

"And I really wanna change right now paglabas na paglabas ko."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagod na raw siyang magtago sa pulisya kaya minabuti ni Xian Gaza na sumuko na lang sa mga ito. Gusto na rin daw niyang magbagong buhay. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results