Viral billboard suitor Xian Gaza released from prison; calls self "national scammer"

by Arniel C. Serato
Apr 16, 2018
Pansamantalang nakalaya ang negosyanteng si Xian Gaza sa kulungan matapos itong makapaglagak ng halagang P126,000 bilang piyansa sa dalawang kasong kinakaharap niya.

“Nyeam Free!”

Ito ang panimulang salita ni Xian Gaza sa kanyang Facebook Live video noong Sabado, April 14.

Dalawang araw matapos siyang sumuko sa Malabon City police station, nakapag-post ng bail bond ang viral billboard suitor turned scammer ng halagang P126,000.

Taliwas ito sa unang sinabi niyang aabot sa P160,000 ang kakailanganin upang makalaya siya sa kulungan.

Continue reading below ↓

Tinawag din niyang “NATIONAL SCAMM3R” at “YOUNG FRAUDIGY” ang sarili base sa caption sa post niya tungkol sa kanyang Certificate of Discharge.

Sabi ni Xian, "I would like to express my deepest gratitude to the Filipino public for all the hate, love and support that I received for the last few days—most especially to those God-sent angels who helped me get back to the free society.

"I’m now ready for a new life, lead me Lord.

"NATIONAL SCAMM3R 'YOUNG FRAUDIGY' XIAN GAZA now signing off."

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nais namang ibenta ni Xian ang kanyang “surrender shirt” sa halagang P9,000.

Sabi niya sa kanyang Facebook post, may kasama pa itong coffee date sa isang sikat na hotel sa Pasay.

Kuwento pa ni Xian tungkol sa kanyang t-shirt na ibinebenta, "The actual tee shirt worn by Xian S. Gaza when he surrendered at Malabon Police Headquarters last April 12.

"9,000 PESOS with 1on1 coffee d@te and ch1ll at C Lounge Conrad Manila Seaside Blvd. Pasay City."

Hindi matiyak kung seryoso si Xian o nagbibiro lamang.

Nakilala si Xian dahil sa coffee-date invitation niya sa aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard.

STORIES WE ARE TRACKING

Continue reading below ↓

Nahaharap sa dalawang kaso si Xian kaugnay sa paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o Anti-Bouncing Checks Law.

Tinakbuhan diumano ni Xian ang dati niyang business partners na sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

May halos P3 milyong utang daw si Xian sa kanila.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pansamantalang nakalaya ang negosyanteng si Xian Gaza sa kulungan matapos itong makapaglagak ng halagang P126,000 bilang piyansa sa dalawang kasong kinakaharap niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results