Sarah Geronimo, Erik Santos all set for Rachelle Ann Go wedding in Boracay

by Rachelle Siazon
Apr 17, 2018
Erik Santos posts photos of his arrival in Boracay together with Sarah Geronimo and Kyla in time for Rachelle Ann Go's wedding with American fiancé Martin Spies this week.

Kasado na ang nakatakdang pag-iisang dibdib ni Rachelle Ann Go at ng kanyang American fiancé na si Martin Spies sa Boracay.

Isang araw mula nang dumating ng Boracay ang couple, sumunod na rin doon ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan mula sa showbiz.

Kabilang dito sina Sarah Geronimo, Erik Santos, at Kyla na magkakasabay dumating ng Boracay kahapon, April 16.

Base sa Instagram stories ni Erik, isang grupo silang sakay ng boat mula sa airport patungo sa Discovery Shores Boracay, isang five-star resort na matatagpuan sa Station 1 ng Boracay.


Continue reading below ↓

Nagbahagi rin si Erik ng litrato nila nina Sarah at Kyla pagdating ng resort.


Kasama rin ng kanilang grupo ang bumubuo ng Cornerstone Talent Management, na siyang talent management nina Rachelle Ann, Erik, at Kyla.

Erik and SG Boracay

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Nauna nang naiulat na noong Linggo, April 15, dumating sina Rachelle Ann at Martin sa Boracay at nag-check in sa parehong hotel kung nasaan ang grupo nina Erik, Sarah, at Kyla ngayon.

Continue reading below ↓

Nabanggit sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na inaasahang sa Biyernes, April 19, nakatakdang ikasal sina Rachelle at Martin.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngunit ngayong araw, April 17, nakatanggap ang PEP.ph ng impormasyon mula sa isang source na sinabihan ng couple ang kanilang invited guests na ang kanilang wedding day ay gaganapin ng "April 18" o "April 19."

Hindi malinaw kung bakit dalawang petsa ang ibinigay na wedding date ng couple.

Ngunit base sa isa pang Instagram story ni Erik, nakasaad sa caption nito na tatlong araw lang itong mamamalagi sa Boracay.


Continue reading below ↓

Napag-alaman din ng PEP.ph na sa April 19 ang lipad ni Sarah papuntang U.S. para sa series of concerts nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erik Santos posts photos of his arrival in Boracay together with Sarah Geronimo and Kyla in time for Rachelle Ann Go's wedding with American fiancé Martin Spies this week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results