Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Maricel Soriano on stars who get bashed online: "Magdusa kayo! Gusto niyo 'yan!"

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2018
Maricel Soriano on why she doesn't have a social media account: "Mahirap makipag-away sa hindi mo nakikita. Ayoko ng ganyan, ayoko ng mga away-away. Never akong nag-Facebook. Bakit mo pa gugustuhin na magkaroon ng kaaway? Huwag na, live na lang, sapakan agad!"

Sikat at kontrobersiyal na aktres si Maricel Soriano, pero nagawa nitong pangalagaan ang private life niya dahil sa kanyang kagustuhang magkaroon ng tahimik na buhay.

By choice ang desisyon niyang huwag magkaroon ng mga social media account.

Pahayag ni Maricel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala naman akong Facebook, wala naman akong ganoon.

"Mahirap makipag-away sa hindi mo nakikita. Ayoko ng ganyan, ayoko ng mga away-away.

“Never akong nag-Facebook. Bakit mo pa gugustuhin na magkaroon ng kaaway?

"Huwag na, live na lang, sapakan agad!

"Yun pala ang gusto, di ba? Hahaha!" natatawang biro pa ng Diamond Star.

Sa edad daw ni Maricel ay ayaw na niyang magkaroon ng bashers.

"Gusto mo pa ba yun, sa edad kong ito? Ayoko.

"Ang importante sa akin, yung respeto.

"Ayoko ng binabastos ako nang ganoon. Sa edad ko ba namang ito?

"Tataasan ko na lang sila ng kilay, tama na.

"Bakit mo gusto na mang-away pa? Nakakapagod!

Continue reading below ↓

"Kung dati siguro, mga bata pa, baka pa pero ngayon, may edad na.

"Parang nakakahiya. Nakakahiya na," ang sentimyento ng 53-year-old actress.

ON SOCIAL MEDIA. Nang tanungin tungkol sa maipapayo niya sa mga artistang active sa social media at biktima ng bashing, walang patumpik-tumpik ang sagot ni Maricel.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Magdusa kayo! Gusto niyo 'yan!" bulalas niya.

"Ano ang sasabihin ko... o ayan! Magdusa kayo diyan.

"Pupuwede naman na wala 'yan. E, di mag-ano ka, sign off."

Paliwanag pa ni Maricel, “Ang mga artista, di ba, hinahangaan ng mga tao, nirerespeto?

"Ganito, ganyan, parang sina Tita Susan [Roces], Tita Gloria [Romero]... ganoon.

“Ay, nakakahiya, nahihiya ako. Nahihiya ako kapag may nagre-react 'tapos hindi maganda...

"'Matanda ka na.' 'Ha? Sino ang matanda?'

"Magagalit ka, di ba?"

May kakaibang sigla si Maricel dahil sa magagandang nangyayari ngayon sa career niya.

May pelikula siyang ipalalabas sa mga sinehan sa May 9, ang My 2 Mommies ng Regal Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓

Mag-uumpisa na rin ang kanyang taping para sa The General’s Daughter ng ABS-CBN sa May 7.

Si Eric Quizon ang direktor ng My 2 Mommies, at si Maricel ang gusto niyang bida sa bagong movie project niya sa Regal.

Ibinigay na ni Roselle Monteverde, producer ng Regal, ang go-signal niya sa project ni Eric para kay Maricel.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano on why she doesn't have a social media account: "Mahirap makipag-away sa hindi mo nakikita. Ayoko ng ganyan, ayoko ng mga away-away. Never akong nag-Facebook. Bakit mo pa gugustuhin na magkaroon ng kaaway? Huwag na, live na lang, sapakan agad!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results