Ynez Veneracion speaks up about falling victim to investment scam

by Arniel C. Serato
May 10, 2018
Hindi lang daw si Ynez Veneracion at iba pang mga artista ang pinagkakautangan ng isang tao na hindi muna nila pinapangalanan. Mayroon pa raw itong nautangang negosyante na umabot daw sa halos P55 million.

Hindi lang pala si Sunshine Cruz ang pinagkakautangan ng malaking halaga ng pera ng isang taong hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ng mga nabiktimang artista umano nito.

Matatandaang noong Enero 2018 ay umapela si Sunshine sa taong ito na ibalik na ang perang hiniram nito na umabot din sa ilang milyon.

STORIES WE ARE TRACKING

Kahapon, May 9, ang dating sexy star naman na si Ynez Veneracion ang nagkuwento tungkol sa perang na-invest niya sa taong ito.

Bukod daw sa kanila ni Sunshine, kabilang din sa mga nakuhaan nito ng investment fund ay sina Ara Mina, Joross Gamboa, Dianne Medina, at Ketchup Eusebio.

Lahad ni Ynez, “Ayoko muna siyang pangalanan ngayon, pero hindi lang ako.

“Siguro mayaman siyang totoo, ang problema, yung pera niya kasi, di ba, kung saan-saan nagpupunta... Paris, Brunei...

“Siguro hindi niya nahawakan nang maayos yung yaman niya.

“So, ngayon, humingi siya ng investment sa aming lahat.

“Lahat kami, parang feeling namin, na-scam kami.”

Continue reading below ↓

Anong klaseng negosyo ba ang sinabi ng kaibigan nilang ito na paglalagakan ng kanilang pera?

Ayon kay Ynez, “Nanghihingi siya ng investment, loading daw.

"O kaya ipinapautang daw niya sa mga OFW sa Brunei.

“Hindi namin alam kung totoo yun, e, pero di ba kasi, nung una… kasi ang bait niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Mabait naman talaga siyang tao. Galante, kung anu-ano ibinibigay, reregaluhan ka ng kung anu-ano.

“Dadalhin ka sa kung saan-saan, dalhin ka sa Brunei, dalhin ka sa Paris, dalhin ka sa US... napaka-generous na tao din naman niya.

“So, kaya talagang maniniwala ka.

"Pero hindi mo alam, pa-dama lang pala lahat yun. Pa-dama lang.

"Kasi una, kasi ang dami ng artista nung umpisa, feeling ko, ako yung huling-huling nakilala niya.

“So, siyempre yung mga napakitaan niya ng maganda, yung mga ibang artista.

“Nagtanong din naman ako, which is nung time na yun, okay naman siya.

“Ang sagot sa akin ng ibang artista, ‘Okay naman siya, mabait,’ kaya naniwala kaming lahat.

Continue reading below ↓

"Hanggang ito na, lately na, meron pa siyang isa na pinagkakautangan na malaking tao, malaking tao yun. Negosyante.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynez sa presscon ng Ignite: Regine Tolentino dance concert kahapon, May 9.

Magiging guest si Ynez sa dance concert ni Regine na gaganapin sa Sky Dome, SM North Edsa, sa May 26.

"KAAWAY NA BEAUTY QUEEN?" Marami pa raw pinagkakautangan ang taong ito. Mayroon pa raw umabot sa P55 million.

Dagdag ni Ynez, "Sa akin, P1.2 million, pero naibabalik naman niya. Pero ngayon, meron pang P260,000.

"Siyempre pang-enroll na rin ng anak ko yun. Puro siya Monday, puro siya Thursday, puro siya pangako... sinungaling."

November 2017 pa raw niya sinisingil ang nasabing tao.

Nangako raw itong sa February 2018 magbabayad, pero hindi pa rin siya nabayaran nang buo nito.

Kapag hindi siya mababayaran ngayong buwan na ito, ilalapit na ni Ynez ang kanyang reklamo sa isang sikat na radio personality at baka magsampa na rin siya ng kaukulang reklamo sa korte.

Continue reading below ↓

"Dati, meron siyang inaway na beauty queen," clue pa niya tungkol sa may utang sa kanya.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph, hindi pa rin daw nababayaran ng nasabing tao ang utang niya kay Ara Mina na umabot ng P500,000.

Ayon naman kay Joross Gamboa, ipinasa-Diyos na lamang daw niya ang lahat.

Samantala, si Dianne Medina naman daw ay hinihintay pa ang payo ng kanyang kaibigan.

Bukas ang PEP.ph sa mga panig ng iba pang nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi lang daw si Ynez Veneracion at iba pang mga artista ang pinagkakautangan ng isang tao na hindi muna nila pinapangalanan. Mayroon pa raw itong nautangang negosyante na umabot daw sa halos P55 million.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results