Former The Voice Kids Season 2 semifinalist dies in motorcycle accident

by Arniel C. Serato
May 16, 2018
Nasapul daw ang ulo ng dating The Voice Kids Season 2 semifinalist na si Christian Pasno nang tumilapon ito mula sa sinasakyan niyang motorsiklo noong Linggo ng gabi, May 13.

Severe traumatic brain injury ang ikinamatay ng The Voice Kids Season 2 (2015) semifinalist na si Christian Pasno, 13.

Ito ay matapos maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo noong Linggo ng gabi, May 13.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, nangyari ang aksidente sa Barangay Mabalanoy, San Juan, Batangas.

Mamamasyal lamang daw si Christian kasama ang isang kaibigan, na naka-motor din, nang mangyari ang aksidente.

Wala diumanong ilaw ang minamanehong motorsiklo ni Christian at mabilis daw ang pagpapatakbo nito. Hindi rin daw ito nakasuot ng helmet.

Ayon kay Senior Inspector Roy Cuevas ng San Juan Police, "Nag-overtake siya sa isang motor.

"Itong motor ni victim ay walang headlight.

"Merong tambak ng lupa, hindi niya napansin. Madilim dun."

Labis namang nagdadalamhati ang pamilya ni Christian dahil sa maagang pagkawala ng kanilang anak.

Ayon sa kanyang amang si Marlito Pasno, "Masakit po sa akin. Hindi ko po matanggap na mawawala siya. Sobrang mahal ako nun."

Nakilala si Christian sa The Voice Kids Season 2 nang maging bahagi siya ng Camp Kawayan ni Coach Bamboo.

Continue reading below ↓

Inawit niya sa audition ng ABS-CBN reality show ang sikat na kanta ng Rockstar na "Ika’y Mahal Pa rin."

Umabot si Christian hanggang sa Battle Round.

Ang itinanghal na kampeon sa kanilang batch ay ang kasamahan niya sa Camp Kawayan na si Elha Nympha.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasapul daw ang ulo ng dating The Voice Kids Season 2 semifinalist na si Christian Pasno nang tumilapon ito mula sa sinasakyan niyang motorsiklo noong Linggo ng gabi, May 13.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results