Rocco Nacino unfollows Sanya Lopez on IG; netizen blames actor's girlfriend

by Bernie V. Franco
May 18, 2018
Rocco Nacino defends girlfriend Melissa Gohing (right) from a netizen who blamed her after the actor unfollowed onscreen partner Sanya Lopez (left) on Instagram.

Ipinagtanggol ni Rocco Nacino ang non-showbiz girlfriend na si Melissa Gohing matapos itong atakihin ng isang netizen sa social media.

Ikinagalit kasi ng netizen ang pagbura ni Rocco sa Instagram account nito ng mga larawan nila ng ka-love team na si Sanya Lopez.

In-unfollow rin ng Kapuso actor sa Instagram ang kanyang leading lady sa mga teleseryeng Encantadia (2016-2017) at Haplos (2017).

Pag-akusa pa ng netizen, si Melissa raw ang dahilan kung bakit in-unfollow ni Rocco si Sanya at binura ng aktor ang mga larawan nila.

Base sa kanyang user name na @_RocsanLovers, fan ng tambalang Rocco at Sanya ang netizen.

Sinagot ni Rocco ang netizen.

Ayon sa aktor, siya mismo ang nag-unfollow kay Sanya at nagbura ng mga larawan nila bilang respeto sa kanyang girlfriend.

Dagdag pa ni Rocco, “So it’s not fair na tinitira nyo sya.

“Easy lang ah, back off from Melissa, okay?

“Nakaka-turn off ka naman.”

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan din ni Rocco ang mungkahi ng isang netizen na i-block ang netizen.

Maging si Melissa ay nakatanggap ng hate tweet.

Pero naging positibo ang sagot ni Melissa rito.

Inamin ni Rocco ang relasyon nila ni Melissa noong Marso.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino defends girlfriend Melissa Gohing (right) from a netizen who blamed her after the actor unfollowed onscreen partner Sanya Lopez (left) on Instagram.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results