Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Iñigo Pascual confirms "mej" status of relationship with Maris Racal

by Melba R. Llanera
May 29, 2018
Iñigo Pascual on expressing his love for Maris Racal: "I think there's nothing wrong to say I love you if you really do feel it for the person."

Kinilig at di magkamayaw ang fans nina Iñigo Pascual at Maris Racal nang nag-"I love you" ang dalawa bilang sagot sa tanong ni DJ Jhai Ho kung ano ang maipapangako nila sa isa't isa.

Hindi man diretsahang inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon, sinagot na nina Iñigo at Maris ang matagal nang gustong marinig ng kanilang mga tagahanga.

Nangyari ito sa "Just Love Araw-araw" fan meet ng MarNigo love team sa Vertis North Tent, noong May 20, kung saan nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang singer-actor.

Sabi ni Iñigo, "I think there's nothing wrong to say I love you if you really do feel it for the person.

“We're not saying we're together... I love Maris, I love being with her.

“It’s not something that I would not want to share this moment with anybody else.”

“Mej" o medyo naman ang sagot ni Maris sa tanong kung sila na ba ni Iñigo.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Pagsang-ayon ni Iñigo, "That's what we are right now and that's what we feel.

“I hope we'll always be happy and that's what I want for both of us."

FANS FAR AND NEAR. Masayang-masaya naman si Iñigo sa dami ng mga tagahanga nila ni Maris na pumunta sa fan's day.

Saad niya, "Kami ni Mama Me, bago kami pumasok, nakita namin yung mga ilaw, hindi kami makapaniwala.

“Kasi siyempre, sa online lang namin sila nakikita halos. Yung mga small events, only little bit of them were able to see.

“I was really feeling emotional just to see them, hindi lang yung energy na ibinibigay nila.

"The fact that they travelled so far. Yung sarili nilang pagod, pawis...

"Mayroon ding girl from Pagudpud, my God! Davao... ang daming nagpunta dito, nakakataba ng puso.

“And even the ones abroad funding so the other MarNigo could come to the Philippines, just to be able to watch today."

Continue reading below ↓

REWARD. Pinarangalan sina Iñigo at Maris bilang Pinakapasadong Dangal ng Kabataan sa 20th Gawad Pasado Awards.

Very proud si Iñigo sa award na natanggap ng kanilang tambalan.

Aniya, “Ang sarap sa puso siyempre… just to be able to be on that stage with Mama Me and to have that kind of award.

“Ang sarap lang pakinggan, honestly, it motivates us even more to work even harder and to enjoy whatever we have.

“We're more inspired, especially sa movie namin, mas ginaganahan kami, especially being able to have that award.

“That is because of the people who support us, we can't thank them enough for all the love they have given us."

Simula na rin ang shooting ng unang pelikula na pagtatambalan ng MarNigo.

"Si Maris, sobrang pasabog siya dito, literal na pasabog," sambit ni Iñigo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iñigo Pascual on expressing his love for Maris Racal: "I think there's nothing wrong to say I love you if you really do feel it for the person."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results