Maine Mendoza visits Pokwang's baby

by Bernie V. Franco
May 29, 2018
Kapuso prime artist Maine Mendoza visits Kapamilya comedienne Pokwang and her four-month-old baby, Malia.

Binisita ng Kapuso star na si Maine Mendoza ang anak ni Pokwang na si Malia O'Brian sa mismong bahay ng Kapamilya comedienne.

Nai-post ang mga larawan, kung saan karga-karga ni Maine sa Malia, sa Instagram account ng anak ni Pokwang sa American actor na si Lee O'Brian nitong Lunes ng gabi, May 28.

Mayroon ding kasamang video kung saan maririnig si Pokwang habang kinukunan ng larawan si Maine at si Malia, na karga-karga naman ng babysitter.

Maririnig din si Pokwang na natuwa sa pagngiti ng anak at sabihing, “Love na niya si Yaya Dub.”

Ito ang nakasulat na caption sa post: "Maraming salamat ate @mainedcm sa visit!! Hope to see you again soon!!"

Four months na ang anak nina Pokwang at Lee.

A post shared by Malia O'Brian (@malia_obrian) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso prime artist Maine Mendoza visits Kapamilya comedienne Pokwang and her four-month-old baby, Malia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results