Kris Aquino says President Duterte's special assistant Bong Go apologized for incident with Mocha Uson

by Bernie V. Franco
Jun 6, 2018
Kris Aquino says Bong Go, special assistant to President Rodrigo Duterte, apologized to her after incident with Mocha Uson.

Humingi ng paumanhin si Bong Go, special assistant (SA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, kay Kris Aquino matapos makipag-ugnayan ng huli sa government official.

Ayon mismo ito kay Kris na ibinahagi ang nangyari sa kanyang Instagram account ngayong araw, June 6.

Nagsimula ito sa Facebook Live video ni Mocha na ipinagtanggol si Pangulong Duterte dahil umani ito ng batikos pagkatapos halikan sa labi ang isang Filipina overseas Filipino worker sa recent visit niya South Korea.

Ani Mocha, wala raw itong ipinagkaiba sa paghalik ng dalawang Pilipina kay Ninoy Aquino, ama ni Kris, ilang oras bago ito paslangin noong 1983, pagkalapag ng eroplano nito sa Pilipinas.

Hindi pinalampas ni Kris ang pagdawit ni Mocha sa pangalan ng yumaong ama, at hinamon nito sa pamamagitan ng isang post sa Instagram ang dating starlet sa isang debate o sabunutan.

STORIES WE ARE TRACKING

Pagkatapos noon ay tinawagan niya si Bong.

“I took the courage to reach out to PRRD’s SA Bong Go.

Continue reading below ↓

“I have known & liked him for 8 years,” paliwanag ni Kris.

“In this instance i am Ninoy Aquino’s daughter—he believed in the power of true & honest communication...”

Pinasalamatan ni Kris si Bong sa pagsagot sa kanyang text message.

“SA Bong, thank you for your reply. Thank you for taking my feelings as a daughter into consideration & showing me EMPATHY.

“I am most grateful for a man as powerful as you are now for texting & vibering me the words ‘we are sorry for the incident.’

“You have my sincere gratitude.

“We all have 1 goal, a nation we can be proud of, and the best possible prosperous lives for all Filipinos.

“I love our country as much as our president does. I pray for #PEACE & mutual #respect for all of us. God bless you”


Continue reading below ↓

Sa tweet ng GMA reporter na si Cedric Castillo, ibinahagi nito na ipinakita ni Bong kay Pangulong Duterte ang palitan nila ng text messages ni Kris.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino says Bong Go, special assistant to President Rodrigo Duterte, apologized to her after incident with Mocha Uson.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results