Ice Seguerra pokes fun at himself in picture with Piolo Pascual: "'Sing pogi pero di 'sing tangkad."

by Arniel C. Serato
Jun 11, 2018
Feeling ni Ice Seguerra ay kasing-pogi siya ni Piolo Pascual, ngunit hindi nga lang daw sila magkasing-tangkad. Samantala, naghayag naman ang singer-actor ng kanyang pagkadismaya dahil palagi daw siyang napagkakamalang tomboy.

Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Aiza Seguerra—na ngayon ay gusto nang makilala bilang Ice Seguerra—ang simpleng Instagram post niya kahapon, June 10, kung saan kasama niya sa litrato si Piolo Pascual.

Kuha ang larawan sa studio ng Sunday variety show ng ABS-CBN, ang ASAP, kung saan guest performer si Ice.

Sabi ni Ice sa caption, "'Sing pogi pero di 'sing tangkad."

'Sing pogi pero 'di 'sing tangkad.

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Sinang-ayunan ito ng Instagram followers ni Ice.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Base sa comments ng Instagram followers ni Ice, makikitang tanggap ng mga ito ang pagiging self-confessed "transgender man" niya.

Hindi rin kaila sa publiko ang pagpapakasal ni Ice sa partner niyang si Liza Diño sa California noong December 8, 2014.

Nagpakasal din ang couple dito sa bansa noong January 8, 2015.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

TRANSGENDER MAN, NOT A TOMBOY. Ganunpaman, inihayag ni Ice ang pagkadismasya dahil may mga iilan pa ring napagkakamalan siyang "tomboy."

Sa kanyang hiwalay na Instagram post, nagbahagi si Ice ng quote card na may mga katagang, "Na pag kamalan ka na bang tomboy?"

Sagot ni Ice sa kanyang caption, "Parati. Kasawa na."

Parati. Kasawa na.

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Noong December 2017, huling naghayag si Ice sa kanyang Instagram account na isa siyang transgender man.

Bahagi ng kanyang mensahe para sa mga kaibigan at kapamilya:

“I am a TRANSGENDER MAN.

“Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Feeling ni Ice Seguerra ay kasing-pogi siya ni Piolo Pascual, ngunit hindi nga lang daw sila magkasing-tangkad. Samantala, naghayag naman ang singer-actor ng kanyang pagkadismaya dahil palagi daw siyang napagkakamalang tomboy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results