Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Comedian John "Sweet" Lapus reinvents showbiz career; pursues directing, scriptwriting ambitions

by Ruel J. Mendoza
Jun 17, 2018
Comedian John "Sweet" Lapus explains why he wants to reinvent himself by pursuing his scriptwriting and directorial ambitions: "Masaya magsulat whether play or movie. Nare-relax ako at nalalabas ko ang mga laman ng baliw kong utak."

Maraming pagbabago sa career ngayon ng gay comedian na si John “Sweet” Lapus.

Hindi lang kasi ang pag-arte ang kanyang ginagawa ngayon dahil nais niyang mag-level up sa pagiging isang director at scriptwriter for film, stage and television.

Ito na raw kasi ang taon ng reinvention sa career ni Sweet.

Sa tulong daw ng Star Cinema at ng award-winning writer-director na si Olivia Lamasan, in-enroll nila si Sweet sa Directing Class ni Carlitos Siguion-Reyna sa Cinemalaya Foundation sa CCP (Cultural Center of the Philippines).

“Extensive twelve sessions yung class so medyo mahirap, but challenging.

“Ang tawag ko nga ay #SweetBack2School.

“Hopefully, makapagdirek na rin ako soon.

“Pero tatanggap pa din naman ako ng acting jobs kung meron.

“Sayang naman. I just want to reinvent myself.

“Tumatanda na rin tayo.

“At sabi nga ng Star Cinema, may need ang industry ng comedy directors.

“Malaking kawalan talaga si Direk Wenn Deramas.

“So kapalit ng schooling ko, I will be submitting concepts for Star Cinema.

Continue reading below ↓

“Naku, mabuti na lang madami akong concepts, mostly comedy. Yung iba gay ang leads.

“Ginawa ko ito for myself noong sinabihan ako ng Regal at Viva Films na gagawan nga raw ako ng solo movie.

“E, sayang naman, kasi kakaiba at bago.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“So I will submit them for Vice Ganda and Paolo Ballesteros as leads.

“Sila naman ang namamayagpag ngayon so might as well,” pahayag pa ni Sweet sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last June 14 via Facebook Messenger.

SCRIPTWRITING CLASS. Tinuluy-tuloy na ni Sweet ang kanyang reinvention goal sa taong ito sa pag-enrol din sa writing class ng award-winning screenwriter na si Ricardo Lee.

Kuwento pa niya,“By July naman #SweetBack2School2 na!

“This time sa scriptwriting class naman ni Sir Ricky Lee.

“I’m so thankful at nakapasok ako sa Batch 19.

“I believe that to become a good director, dapat marunong ka din mag sulat.

Continue reading below ↓

“Writer naman tatay ko [Jojo Lapus], so sana namana ko ang skills niya.

“Yung first full-length script ko, masuwerteng pumasok sa Top 30 ng Cinema One Originals. Ang title ay Pang MMK.

“I am so proud of myself kasi first full movie script ko iyon.

“Mukhang interesado naman ang ABS-CBN na gawin. Kaya abangan na lang natin.”

THEATER WORK. Happy din si Sweet dahil ang one-act play na kanyang sinumite para sa Virgin Lab Fest 14 ng CCP ay maganda ang naging resulta.

“Yung sinulat ko na Bagyolanda ang title ay pumasok na sa #StagedReading ng Virgin Lab Fest 14 ng CCP.

“Tungkol sa tatlong bakla na na-trap sa loob ng beauty parlor sa kasagsagan ng bagyong Yolanda.

“Masaya siya promise!

“Sa July 13, 6:00 pm yung one time-big time lang ang #StagedReading, pero puwede ko pa siya i-submit ulit next year at sana makapasok na sa actual set.

“Twelve lang kasi pinipili every year. Ang balak ko, sumali lang nang sumali every year.

Continue reading below ↓

“Masaya magsulat whether play or movie.

“Nare-relax ako at nalalabas ko ang mga laman ng baliw kong utak,” pag-amin niya.

STAND-UP COMEDY GIGS. Pero sa kabila ng reinvention stage ni Sweet ngayon, hindi pa rin daw mawawala sa kanya ang hilig niya sa pag-entertain ng tao.

Kaya napapanood pa rin siya isang teleserye at sa live shows.

Lahad pa niya, “Tuloy pa rin ang taping ko ng Since I Found You until August.

“Abangan nila ang mga exciting na kaganapan.

“And of course, may Klownz pa rin ako every Wednesday sa Quezon Avenue at sa newly-opened Klownz Brittany Square sa Fairview/Lagro every Sunday.

“Hindi puwedeng mawala sa buhay ko ang pagpapatawa.

“Exercise at food for the soul ko ang stand-up [comedy].

“Masarap ang pakiramdam na nagpapasaya ka ng maraming tao.

“Ang hopefully, kapag may producer or kapag nakaipon ako, tuloy ko na ang #SilverSweet ang 25th Anniversary Show ko in showbiz.

Continue reading below ↓

“Masaya yun, di ba?”

Read Next
Read More Stories About
John Lapus, Direk Wenn Deramas
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian John "Sweet" Lapus explains why he wants to reinvent himself by pursuing his scriptwriting and directorial ambitions: "Masaya magsulat whether play or movie. Nare-relax ako at nalalabas ko ang mga laman ng baliw kong utak."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results