Ellen Adarna spotted with John Lloyd Cruz at Cebu hospital; actress to give birth in Cebu?

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2018
Namataan sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa isang hospital sa Cebu kung saan nagpa-checkup daw ang aktres sa kanyang OB-Gyne. Anumang oras ay maaari nang isilang ni Ellen ang anak nila ng aktor.

Araw na lamang ang binibilang at isisilang na ni Ellen Adarna ang anak nila ni John Lloyd Cruz.

Kahapon, June 17, nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na namataan daw si Ellen sa isang private hospital sa Cebu noong Sabado, June 16, para sa isang routine check-up bago ito manganak.

May clinic daw sa nasabing ospital ang OB-Gyne o doktor ni Ellen.

Pero walang larawan na maipakita ang aming source kaya hindi muna namin ito isinulat.

Ngayong Lunes, June 18, nagpadala ang aming source ng larawan nina Ellen at John Lloyd na kuha raw habang papalabas sa isang clinic sa Chong Hua Hospital sa Mandaue, Cebu.

Nakasuot ng maluwag na itim na T-shirt si Ellen. Nakatsinelas din ang aktres.

Nasa kanyang likuran ang partner nitong si John Lloyd.

Hindi masyadong malaki ang tiyan ng 30-year-old actress ngunit halatang nadagdagan ang kanyang timbang.


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Nai-publish na rin ang larawang ito sa Facebook page ng Newsgraph.

Nagpaalam ang PEP.ph sa may-ari ng litrato bago namin inilabas ang kuwentong ito, at pumayag naman sila.

Ayon naman sa isa pang source ng PEP.ph, hindi raw nagpa-ultrasound si Ellen dahil gusto nila ni John Lloyd na masorpresa kung lalaki o babae ang magiging anak nila.

Matatandaang naghain ng motion for trial rescheduling ang abugado ni Ellen dahil anytime soon ay manganganak na nga siya.

Kaugnay ito ng reklamong child abuse at cyber libel na isinampa ng mga magulang ng teenager na si Eleila Santos, na inakusahan ni Ellen ng patagong pagkuha ng video nila ni John Lloyd sa loob ng isang ramen restaurant sa Makati City noong May 14.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namataan sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa isang hospital sa Cebu kung saan nagpa-checkup daw ang aktres sa kanyang OB-Gyne. Anumang oras ay maaari nang isilang ni Ellen ang anak nila ng aktor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results