Former broadcaster Jay Sonza hits "bagong sibol" news reporters

by Nerisa Almo
Jun 20, 2018
Jay Sonza (left) describes "bagong sibol" news reporters as "walang mga modo, bastos at may pinag-aralang nasabi pero walang breeding at mababaw o walang depth o hindi aral sa mga isyu." Two of the reporters he mentioned, Ed Lingao (top) and Joel Zobel (bottom), reply to his remark.

Pinuna ng dating broadcaster na si Jay Sonza ang aniya'y mga “bagong sibol” na reporters at news anchors sa kanyang Facebook post noong Lunes, June 18.

Karamihan daw sa mga ito ay "walang mga modo, bastos... walang breeding at mababaw o walang depth o hindi aral sa mga isyu."

Kasunod nito ay binanggit niya ang mga pangalan ng kilalang TV news reporters tulad nina Alvin Elchico, Joseph Morong, Kara David, Lourd De Veyra, at Zen Hernandez.

Binanggit din niya ang mga pangalan ng veteran TV and radio anchors na sina Ed Lingao, Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel, at Karen Davila.

Continue reading below ↓

ED LINGAO RETALIATES. Hindi naman ito pinalampas ng isa sa mga nabanggit na pangalan ni Jay, si Ed Lingao.

Tinawag ng beteranong news reporter at dating TV5 news anchor ang dating Mel & Jay host bilang “veteran microphone-user.”

“Your forte, HIJO, is talk show and public service. Ok naman yun eh. Pero stop pretending to be what you are not,” buwelta ni Ed.

Paliwanag pa niya, “Many of the bagito reporters you named have much more experience in real journalism than you ever had in all your years broadcasting—because broadcasting, HIJO, is not the same as journalism.

“Yes, there are many points of convergence, and there are so many excellent broadcast journalists (sorry you don't make the cut at all), but not all broadcasters are journalists in the same way that not all journalists are broadcasters.

“Unfortunately, even award-giving bodies tend to conflate them too, as we see in your case.

Continue reading below ↓

“Baka naniwala ka naman sa sarili mong press release.

“Baka isama kita sa isang tutoong coverage diyan na hindi sa loob ng studio at wala kang dalang mga staff, researchers, at writers, at makita natin kung sino ang bagito at kulang sa depth at research.”

Sarkastikong pahayag pa ni Ed tungkol kay Jay, “Perhaps one day, the journo wannabees like us will become a veteran journalist just like you.

“After all, kilalang kilala ka po sa maliit na industriya natin dahil sa iyong breeding, modo (oh have you forgotten that your cringe-worthy FB rants are all public?), at higit sa lahat, sa LALIM ng iyong PAG-IISIP at PANANALIKSIK at PAG-AARAL sa mga issue.”

Continue reading below ↓

JOEL REYES ZOBEL. Sa kabilang banda, itinuturing naman ni Joel Reyes Zobel ng dzBB bilang constructive criticism ang mga pahayag ni Jay.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, June 20, sinabi ni Joel, “I dont want to inject motive. Perhaps, what he said is truly reflective of his opinion.

“Every shot miss is an opportunity for 2 things: self examination and renewal.

“Perhaps my game slipped by some level. If so, it is an opportunity to revisit my fundamentals and practice to perfection.

“Critics serve a purpose. The moment you stop thinking they serve a purpose is the moment you begin to think you are larger than you really are.

“Sabi nga ng misis ko, 'good news yan. Nakikinig at nanunuod pala sa iyo si jay sonza?'

“I always thank god for critics like jay sonza.

“They make me and my work relevant.”

Continue reading below ↓

Bukod kina Ed at Joel, may ilang personalidad din ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa naging pahayag ni Jay:


Samantala, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng iba pang news reporter na nabanggit sa post ni Jay Sonza.

Read Next
Read More Stories About
Jay Sonza
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Sonza (left) describes "bagong sibol" news reporters as "walang mga modo, bastos at may pinag-aralang nasabi pero walang breeding at mababaw o walang depth o hindi aral sa mga isyu." Two of the reporters he mentioned, Ed Lingao (top) and Joel Zobel (bottom), reply to his remark.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results