Aiko Melendez to bashers of relationship with Subic mayor: "Judge no one until you know the TRUTH."

by Arniel C. Serato
Jun 21, 2018
Ayon sa aktres na si Aiko Melendez, hindi sila magpapatinag ng nobyong si Mayor Jhay Khonghun laban sa bashers.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika si Aiko Melendez at ang kanyang boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

Kasabay ng bakasyon nila sa ibang bansa ay ang paglabas sa social media ng mga post tungkol sa legal wife ng alkalde.

Inamin ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakatanggap siya ng mga pangungutya sa social media, kung saan pinaratangan siyang "third party" sa hiwalayan ng dalawa.

Pinabulaanan na ito ni Mayor Khonghun at sinabing matagal na silang hiwalay ng kanyang misis bago pa naging sila ni Aiko.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngunit ayaw nang magsalita ni Aiko tungkol dito.

Pero sa kanyang Instagram, tila may patama ang aktres sa mga basher ang kanyang posts.

Noong June 19, mensahe ni Aiko, “Some People Hate You Because of the way other People Love you. #strongertogether Judge no one until you know the TRUTH!!!”

Ngayong araw, June 21, sinabi ng Bagani star sa kanyang Instagram Stories: “The strongest people are not those who show strength in front of the world but those who fight and win battles that others do not know anything about.”

Continue reading below ↓


Sa bago niyang post sa Instagram, ipinabatid ni Aiko sa bashers na hindi sila matitinag ng boyfriend sa mga paninira sa kanila.

Sabi pa niya, “The Couples that are meant to be, Are the ones who go through everything that is meant to tear them apart, And come out even stronger :) #liberty #statueofliberty."

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang Marso lamang eksklusibong inamin ni Aiko sa PEP.ph ang relasyon nila ni Mayor Jhay.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Aiko Melendez, bashers
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa aktres na si Aiko Melendez, hindi sila magpapatinag ng nobyong si Mayor Jhay Khonghun laban sa bashers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results