Joyce Bernal to direct third SONA of President Rodrigo Duterte

by Arniel C. Serato
Jul 5, 2018
Si Direk Joyce Bernal ang magdidirek ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa July 23.

Trending topic sa Twitter ngayong Huwebes, July 5, ang direktor na si Joyce Bernal.

Ito ay dahil siya ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdirek ng State of the Nation Address (SONA) niya ngayong taon.


Gaganapin ang pangatlong SONA ni Pangulong Duterte sa July 23, na hudyat din ng pagsisimula ng 18th Congress.

Continue reading below ↓

Si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar mismo ang nagkumpirma ng pagkakapili kay Direk Joyce.

Ayon sa kanya, ang aktor na Robin Padilla ang nagmungkahing kunin ang serbisyo ng kaibigang direktor para sa SONA.

Inaprubahan daw ito kaagad ito ng Presidente, na kilalang malapit sa aktor.

Tinanggap naman daw ni Direk Joyce ang pagiging direktor ng SONA ngunit nilinaw nitong hindi siya maaaring diktahan sa kanyang trabaho.

Sabi niya sa TV Patrol kagabi, July 4, “I am committed to direct the SONA. But I will maintain my independence as a director.”

Sa unang dalawang SONA ni Pangulong Duterte ay ang Cannes winner na si Brillante Mendoza ang nagdirek nito.

Ngunit marami ang pumuna sa kanyang camera shots.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Direk Joyce Bernal ang magdidirek ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa July 23.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results