BB Gandanghari "perfectly OK" amid disturbing "mood shot"

by Bernie V. Franco
Jul 5, 2018
BB Gandanghari posts this "mood shot" on Instagram, but some netizens got worried and asked the celebrity if she's okay.

Tiniyak ni BB Gandanghari sa kanyang followers na “perfectly okay” siya matapos mabahala ang ilang netizens sa kanyang hitsura sa isang Instagram post.

Noong July 2, nag-post ang U.S.-based celebrity ng isang “mood shot” na may caption ng “#DeadEND.”

Kabilang sa ginamit niyang hashtags ang #EyesWithoutFace #LivingDead #CiyRats #Character #CharacterMakeUp #Conceptual#Realism #Photography #NoPhotoShop #Model #Transgender #Empowerment

Sa comments sections, marami ang nagpahayag ng pagkabahala sa hitsura ni BB.

Sinagot ni BB ang ilan sa kanila at tiniyak na mabuti ang kanyang kalagayan.

Depensa niya sa litrato, isa itong “mood shot” at "editorial look" bilang isang modelo.

Diin pa ni BB sa mga nagsasabing hindi maganda ang hitsura niya sa litrato, “That’s the whole point."

Dagda pa niya, "Calm down... i'm perfectly ok..."

Paalala naman ng isang netizen, basahin ang hashtags na ginamit ni BB.

Pagsang-ayon naman ni BB, "some people just dont read... lol"


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Pinasalamatan naman ni BB ang netizens na pumuri sa kanyang larawan.

Narito ang ilan pang photos ni BB na may iba't ibang mood at klase ng makeup.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari posts this "mood shot" on Instagram, but some netizens got worried and asked the celebrity if she's okay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results