Hollywood star Zac Efron serves as photographer for vlogger couple Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao

by Nerisa Almo
Jul 6, 2018
Wil Dasovich on couple photo with Alodia Gosiengfiao taken by Hollywood actor Zac Efron: "Up to date he is 1 of 3 people who has taken a not blurry photo of us together."

Hindi na bago ang paminsan-minsang pagpu-post ng vlogger na si Wil Dasovich ng couple photo nila ng girlfriend na si Alodia Gosiengfiao.

Ngunit naging kapansin-pansin ang pinakahuling larawan nilang dalawa kuha sa isang beach sa Los Angeles, California.

Ito ay dahil sa naka-tag na photographer nila—ang Hollywood star na si Zac Efron.

Sa caption, nagbigay ng update si Wil tungkol sa kanyang recovery mula sa cancer.

“Relax, reset, and give retrospect to the long journey that has brought you to where you are today.

“I'm well rested with the invigorating news of being cleared from my scans!

“Let’s begin the next adventure!! What type content do you wish to see for the months ahead?”

Kasunod nito ay ang makaagaw-pansing camera icon at ang tag na “@zacefron.”

Sa comment section ng parehong post niya sa Twitter at Instagram, mababasa ang pagkamangha ng followers ni Wil dahil si Zac ang naging photographer nila ni Alodia.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Wil na ang The Greatest Showman actor ang kumuha ng naturang couple picture sa sagot niya sa comment ng kapwa vlogger na si Mikey Bustos.

Sabi ni Mikey tungkol sa caption ni Wil, “This is awesome to hear, Wil! And AWESOME that @zacefron took this photo!!!! Whhaaaatttt??!!!”

Sagot ni Wil, “Yes. Magaling siya sa tripod.”


Continue reading below ↓

Sa mga sumunod na comments, inilarawan nina Wil at Alodia kung paano nila naging “photographer” si Zac.

Sabi ni Alodia, “@zacefron is one of the very few people who was able to instantly handle my Leica well! Skills!”

Pagsang-ayon naman ni Wil, “Up to date he is 1 of 3 people who has taken a not blurry photo of us together.”


Continue reading below ↓

WHAT IS THE CONNECTION OF ALODIA GOSIENGFIAO'S BOYFRIEND TO ZAC EFRON?

Ang boyfriend ni Alodia Gosiengfiao na si Wil Dasovich ay ipinanganak at lumaki sa California, USA. Ang kanyang Croatian-Irish dad na si Steve ay isang merchant mariner, habang ang Filipina mom niyang si Charry ay isang interior designer. Nag-aral si Wil sa California Polytechnic State University sa San Luis Obispo, California, kung saan niya nakilala si Dylan Efron, ang nakababatang kapatid ni Zac Efron. Naging mag-best friend ang dalawa.

This is @wil_dasovich . Growing up, before MySpace ranked your top 8, we used to joke we were each other's 7th or 8th best friend. But that changed when we finally moved to the same city and went to college together. He instantly became a best friend and my absolute arch-nemesis in just about any competitive sport you can think of, Super Smash Bros included. His unique personality is contagious and anyone who knows him is bound to have picked up a few of his slang words or offbeat mannerisms. He's spent the last three years traveling the world and influencing people through his Vlog channel. His latest video is inspiring as hell but the news was hard for me to take in... Please give it a watch - It's a perfect introduction to one of the people I care about most. Love ya Wil, since '92 ???? https://youtu.be/V9PMm2MYEqI

A post shared by Dylan Efron (@dylanefron) on

Sa katunayan, sa sumunod na post ni Wil, makikitang kasama niya si Dylan.

Riding in tandem since 92’! ????:@alodia

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich) on

Minsan na ring nag-post ang ina ni Wil na si Charry Dasovich ng lumang larawan ng vlogger at nakatatandang kapatid nitong si Haley Dasovich, kasama si Zac.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wil Dasovich on couple photo with Alodia Gosiengfiao taken by Hollywood actor Zac Efron: "Up to date he is 1 of 3 people who has taken a not blurry photo of us together."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results