Kris Aquino on working with Vice Ganda: "Gugustuhin ba niya akong makatrabaho?"

by Bernie V. Franco
Jul 9, 2018
 In another comment on Instagram, Kris Aquino hints that her friendship with Vice Ganda is going through a rough patch.

Muling nagbigay ng pahiwatig si Kris Aquino na hindi maayos ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda.

Kilalang dating malapit na magkaibigan ang dalawa, at "asawa" pa nga ang tawagan nila noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Sa Instagram post ni Kris nitong weekend, isang netizen ang nagtanong kay Kris kung papayag ba siyang makasama muli si Vice sa isang pelikula.

Maikling sagot ni Kris, “gugustuhin ba niya akong makatrabaho?”


Continue reading below ↓

Unang nagsama sa pelikula sina Kris at Vice sa 2012 Metro Manila Film Festival entry na Sisterakas, kasama si Ai-Ai delas Alas.

Hindi na nasundan ang pagsasama nila sa pelikula.

Isa pang netizen ang nagtanong kay Kris kung nagkita ba sila ni Vice sa Thailand.

Nagkataon kasing sabay nagbakasyon ang dalawa sa Thailand.

Sagot ni Kris, “Unfortunately, NO.”


Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo, isang netizen din ang nagtanong kay Kris kung magkaibigan pa ba sila ni Vice.

Tanging sagot dito ni Kris, “I hope so.”

STORIES WE ARE TRACKING

ON TERRENCE AND ATTY. GIDEON. Natanong din ang 47-anyos TV host-actress kung nagkita na ba sila ng Gilas Pilipinas player na si Terrence Romeo.

“I have yet to personally meet him but will look forward to it,” tugon ni Kris.

Nagkaroon ng exchange of messages via social media ang dalawa noong nakaraang linggo matapos magpakita ng suporta si Kris kay Terrence at sa Gilas Pilipinas kasunod ng kontrobersiyal na 2019 FIBA World Cup qualifier brawl noong July 2.

Sa kanilang sagutan, nagpahayag ang dalawa na gusto nilang maging kaibigan ang isa't isa.

STORIES WE ARE TRACKING

Sinagot din ni Kris ang tanong ng isang netizen kung may pag-asa ba ang abugadong si Gideon Peña sakaling manligaw ito sa kanya.

Diretsong sagot ni Kris, “I believe in him I’ve found a lifelong FRIEND.”

Continue reading below ↓

Si Gideon ang lawyer-professor na inili-link ngayon kay Kris matapos magkaroon ng palitan ng mensahe ang dalawa sa social media at paggi-guest ng abogado sa online show ni Kris.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
 In another comment on Instagram, Kris Aquino hints that her friendship with Vice Ganda is going through a rough patch.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results