Watch Now

Die-hard Justin Bieber fan Eunice Lagusad on pop idol's engagement: "Makaka-move on din ako."

by Ruel J. Mendoza
Jul 10, 2018
Kapuso actress Eunice Lagusad admits shattered childhood dreams of becoming Mrs. Justin Bieber as pop superstar announced engagement to model Hailey Baldwin. Eunice said, "To be honest po, pinangarap ko talagang maging boyfriend noon si Justin. Sino naman po ang hindi, di ba?"

Dahil kilala bilang die-hard fan o Bielieber ng Canadian pop star na si Justin Bieber ang Kapuso actress na si Eunice “Charming” Lagusad, hiningan namin siya ng reaksiyon sa balitang engaged na ang singer sa model na si Hailey Baldwin.

Kinumpirma mismo ni Justin sa kanyang social media accounts ang pag-propose niya kay Hailey noong July 7 sa isang hotel restaurant sa Bahamas kunsaan sila nagbabakasyon.

Ayon kay Eunice, na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger kahapon, July 9, nagulat din siya sa kumalat na balita.

Mixed emotions daw ang nararamdaman niya dahil super-fan siya ni Justin mula noong sumikat ito sa edad na 14.

“Happy po na medyo sad. Ganun po talaga, e.

“Pero wala naman po akong violent reaction sa naging balita na iyan.

"Sinasabi ko na lang po na makaka-move on din ako."

Patuloy pa ng 20-year-old actress, “To be honest po, pinangarap ko talagang maging boyfriend noon si Justin. Sino naman po ang hindi, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, siya na yung masasabi kong ‘the one that got away!’

"Siguro po sa next lifetime na lang kami magkakatuluyan."

Biro pa ni Eunice, “Who knows at baka mabuhay ako sa katawan ni Hailey Baldwin!

"Pero okey na rin po kasi yung idea na gusto na niyang mag-settle down, happy na po ako sa kanya. Charing!"

STORIES WE ARE TRACKING

FELLOW BELIEBERS' REACTIONS. Kinumusta din ng PEP.ph kay Eunice kung ano ang naging reaction ng kanyang fellow Beliebers sa katotohanang ikakasal na ang kanilang pop idol.

“Well, yung iba po, sobrang nalungkot. Iyak po sila nang iyak.

"Yung iba naman po, may violent reaction talaga.

“May iba naman po, nagluluksa kasi naudlot daw ang pangarap nilang wedding with Justin. Gumuho raw ang future nila!” natatawang sabi ni Eunice.

Updated si Eunice sa mga nagaganap sa buhay ni Justin kaya alam niya pati ang mga pinagdaanan na love life ng pop singer.

Bet daw sana niya si Selena Gomez para kay Justin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero okey na rin po si Hailey. Kasi mukhang matagal na siyang naka-move on kay Selena.

“At least, makikita mo pong masaya si Justin with Hailey.

“Kahit sino naman po ang piliin ni Justin, okey po sa akin.

“Bilang isang Belieber, todo-support po ako kay Justin kung saan siya masaya,” sabi ni Eunice, na mapapanood sa teleseryeng Onanay ng GMA-7.

Read Next
Read More Stories About
Eunice Lagusad
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Eunice Lagusad admits shattered childhood dreams of becoming Mrs. Justin Bieber as pop superstar announced engagement to model Hailey Baldwin. Eunice said, "To be honest po, pinangarap ko talagang maging boyfriend noon si Justin. Sino naman po ang hindi, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results