Tim Yap on celebrities coming out: "Let's give them the support, kasi nagpapakatotoo lang naman sila."

by Arniel C. Serato
Jul 12, 2018
Tim Yap on celebrities who are coming out: "Hindi madali ang pinagdadaanan ng mga miyembro ng LGBT. Out or not out, it's not easy. So, when somebody does come out, let's give them the support, kasi nagpapakatotoo lang naman sila."

Noong Enero 2018 ay ikinasal ang socialite at TV personality na si Tim Yap sa kanyang longtime partner at events director na si Javi Martinez Pardo sa New York City, USA.

Kumusta na ang buhay may-asawa?

Tugon ni Tim, “Married life is very good.

“Alam mo, parang walang pinagkaiba. Parang for me, it’s really very relaxed.

“You know, it’s very grounding. I feel more grounded now.

"Pagka mas grounded ka sa buhay, makikita mo yung gusto mong gawin sa mga susunod mong hakbang.”

Kamakailan ay may ilang mga personalidad na naglahad na kanilang sexual orientation.

Kabilang na rito ang singer-actor na si Mark Bautista at ang ex-girlfriend ni Sam Milby na si Mari Jasmine.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Tim tungkol dito bilang bahagi ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.

Saad niya, “Alam mo, it’s about time.

"Kumbaga, sa industriya naman, magkakakilala naman ang mga tao, alam naman ng tao lahat kung sino ang ano, kung ano yung totoo.

Continue reading below ↓

“So, you know, kapag may nagka-come out, you know, support na lang talaga.

“Kasi hindi madali ang pinagdadaanan ng mga miyembro ng LGBT. Out or not out, it’s not easy.

“So, when somebody does come out, let’s give them the support, kasi nagpapakatotoo lang naman sila.”

STORIES WE ARE TRACKING

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tim sa red carpet ng The Eddys 2018 Awards Night sa The Theatre at Solaire, sa Parañaque City, noong Lunes, July 9.

DRUG ISSUE. Noong kasagsagan ng kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa illegal drugs, nadawit ang pangalan ni Tim.

May mga alegasyong supplier diumano siya ng ilegal na droga, partikular na sa mga establisimyentong pag-aari niya o sa mga party na dinadaluhan niya.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Tim.

Walang pormal na kasong naisampa laban kay Tim at negatibo rin ang naging resulta ng kanyang drug test.

STORIES WE ARE TRACKING

Kaya ngayon, kampante si Tim na wala nang maibabatong isyu sa kanya kaugnay ng drugs.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Wala yun, di ba, pagkatapos nun, we had a very public drug test. We released a statement.

“Alam mo, kapag nagpa-drug test ka, didiretso yun sa Department of Health, you know, immediately nakikita nila kaagad… naka-record na sa gobyerno at sa mga kuning-kuning na mga nili-link sa akin dati.

“Kasi, di ba, we owned clubs? Being an owner of clubs, na-bring up yung mga ganun.

"But we worked with the government, we have PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency], all the government agencies working with us in our clubs to make sure we have the best security, to make sure na we are a drug-free environment.”

Samantala, may bago naman siyang show sa isang lifestyle channel na malapit nang umere.

Bukod dito, mayroon din siyang bagong tayong hotel at restaurant kaya abala aw talaga siya ngayon.

Read Next
Read More Stories About
Tim Yap, LGBT, The Eddys
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tim Yap on celebrities who are coming out: "Hindi madali ang pinagdadaanan ng mga miyembro ng LGBT. Out or not out, it's not easy. So, when somebody does come out, let's give them the support, kasi nagpapakatotoo lang naman sila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results