Halos iisa ang naging reaksiyon ng Twitter followers ni Glaiza de Castro nang mag-post siya ng katanungan tungkol sa pagkakaltas ng suweldo.
Sa kanyang Twitter account kahapon ng madaling-araw, July 12, nag-post ang Contessa actress ng kanyang “late night musing.”
Tanong niya: “Fair ba na kaltasan ka ng sweldo pag na late ka pero mahigit 24 oras na pagta trabaho wala man lang overtime pay?”
Hindi tinukoy ni Glaiza kung may kinalaman ba ito sa kanyang trabaho o siya mismo ang nakaranas nito.
Gayunman, umani ito ng mahigit 5,000 likes at halos 1,000 retweets.
Kabilang sa mga sumagot sa kayang post ang co-star noon ni Glaiza sa Encantadia na si John Arcilla.
Iniugnay ng beteranong aktor ang tanong ni Glaiza sa sitwasyon sa produksyon sa entertainment industry.
Pahayag ng Heneral Luna actor, “I'm sorry, HINDI FAIR. EPs shud consult the heads in just a matter of fact disposition.
"I think NETWORK HEADS are more understanding than their Subordinates (common to all kinds of establishment).
"The production Heads like Eps should voice out fairness that will benefit ALL."
Im sorry, HINDI FAIR. EPs shud consult the heads in just a matter of fact disposition. I think Network Heads are more understanding than their Subnordinates (common to all kinds of establishment). The production Heads like EPs should voice out fairness that will benefit ALL.
— John Arcilla (@JohnArcilla) July 12, 2018
Hindi na makikita sa timeline ni Glaiza ang naturang tweet.
Subalit nag-retweet naman siya ng ilang sumagot sa kanyang post, karamihan ay halos katulad sa naging sagot ni John.
Narito ang ilan sa mga ito:
as someone in the HR world. NO. You are already accommodating overtime. That violates labor rights and also human rights. That is unfair... no, inhumane. What person can work well pass 24 hours??
— Amber ???? (@AltheyuhMoves) July 11, 2018
Kaya dapat absolute na wakasan na ang contractualizon kasi andaming manggagawang inaabuso ng madaming kumpanya. Dahil contractual sila, wala silang benefits na natatanggap unlike regular na permanent workers, at bukod pa rito ay hindi sila nomomonitor nang maayos ng gobyerno.
— JJ Villa ???? (@angmalaya) July 11, 2018
Sa huli, isang makabuluhang quote ang ibinahagi ni Glaiza tungkol sa mga manggagawa.
Well pic.twitter.com/jSCWJJtBhu
— Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 11, 2018