Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Jennylyn Mercado quashes pregnancy rumors: "Imposible po talaga, maniwala kayo."

by Rommel R. Llanes
Jul 14, 2018
Jennylyn Mercado sets the record straight regarding rumors alleging that she's pregnant: “Imposible po talaga, maniwala kayo."

“Pang-ilang tsika na ba yan?” bulalas ni Jennylyn Mercado nang deretsahan namin siyang tinanong kung buntis siya.

Kamakailan kasi ay umugong ang balitang nagdadalang-tao siya courtesy of her boyfriend Dennis Trillo.

“Kasi parang sampung beses na akong nabuntis pero isa pa lang yung anak ko,” natatawang reaksyon ni Jennylyn sa tsismis.

Hindi raw totoong buntis siya.

Diin niya, “Hindi ko alam kung saan nanggaling yan.”

Banggit namin kay Jennylyn, ang payat niya ngayon, kaya paano niya itatago ang pagbubuntis niya, kung sakali?

Pagsang-ayon niya, “Iyon nga. Imposible nga, e.

“Iyon nga yung… tsaka… imposible po, e.

“Wala, hindi po.”

Pero hindi naman siguro imposible kung sakaling mabuntis nga siya dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Dennis.

“Imposible po talaga, maniwala kayo.

“Maniwala kayo,” giit ng Kapuso actress.

"PROOF." At nakakaaliw na sinabi pa ni Jennylyn sa kanyang P.A. (personal assistant), “Ate, pakilabas yung kakatanggal ko lang sa basurahan!”

Continue reading below ↓

Oo, may monthly period si Jennylyn habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Biyernes, July 13, sa taping ng The Cure ng GMA-7 sa San Jose del Monte, Bulacan.

“Kaya hindi talaga! Sabi ko nga, ‘Paano nangyari yun [na buntis siya]?’

“Sabi ko, ‘Ano ang nangyayari, bakit may ganun? Saan nanggaling?’

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Hindi ko din talaga alam,” lahad niya.

Alam naman kasi ng lahat na masaya sila ni Dennis sa relasyon nila.

“Ganun ba yun, buntis agad?” hinaing niya.

“SA TAMANG PANAHON.” Hindi naman “agad” dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Dennis.

“Hindi, pero siyempre uulitin ko ba yung… di ba? Hindi na.”

So kasal muna bago siya magbuntis?

Pakli niya, “Dapat sa tamang paraan na, di ba?

“Tsaka mukha ba akong buntis? Mukha ba akong buntis?

“Sayang nga, e.”

So nanghinayang ba siya na hindi siya buntis? Gusto na ba niya?

“Hindi pa, hindi pa,” at tumawa muli ang Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Marami naman ang natutuwa kung sakali ngang buntis siya dahil pabor naman ang karamihan sa relasyon nila ni Dennis.

“Di bale, darating yun.

“Darating din yung tamang panahon,” paninigurado niya.

Gusto raw ni Jennylyn, kapag nagkaanak siya ay sa “tamang paraan” na.

Hindi kasi siya kasal noong nabuntis at nanganak siya kay Alex Jazz sa karelasyon niya noong si Patrick Garcia.

“Kasi di ba, uulitin ko ba yung pagkakamali ko noon?

“Hindi naman pagkakamali, hindi naman siya pagkakamali,” mabilis na bawi ni Jenn.

“Kumbaga, ayoko lang nung ganung paraaan kasi si Jazz blessing naman kaya happy ako na dumating siya sa buhay ko.”

Ten years old na si Jazz sa Agosto.

Gusto niya na kapag nasundan si Jazz ay planado na at hindi biglaan.

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado sets the record straight regarding rumors alleging that she's pregnant: “Imposible po talaga, maniwala kayo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results