Vico Sotto happy to see Alden Richards, Maine Mendoza do separate projects with his parents

by Bernie V. Franco
Jul 31, 2018
Vico Sotto, son of Vic Sotto and Coney Reyes, reveals why he is still happy despite Alden Richards and Maine Mendoza doing separate projects.

Isa si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, sa AlDub fans na nami-miss nang makitang magkasama sa isang proyekto sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ngunit ikinatutuwa ng Pasig City councilor na may magkahiwalay na proyekto ang phenomenal love team kasama ang kanyang mga magulang.

Mensahe ni Vico sa kanyang Twitter post kahapon, July 30: "I miss ALDUB, pero masaya rin ako na may project si Alden with Mama and Maine with Papa!"

Si Maine ay makakasama ni Vic sa upcoming Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack En Poy: Da Pulis Incredibles, kung saan bida rin ang Kapamilya star na si Coco Martin.

Habang si Alden naman ay gumaganap na anak ni Coney sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Victor Magtanggol, na nag-premiere kagabi.

Maliban dito, magkakasama pa rin sina Vic, Alden, at Maine sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Kalakip ng tweet ni Vico ang picture nina Coney at Alden mula sa presscon ng Victor Magtanggol.

Continue reading below ↓

Sa exclusive interview ng PEP.ph ay sinabi ni Vic na makabubuti kina Alden at Maine na gumawa ng magkahiwalay na proyekto para kani-kanilang career growth.

Samantala, nilinaw naman ni Alden sa presscon ng kanyang prime time series na hiwalay man ang proyekto nila ni Maine sa kasalukuyan, hindi ito nangangahulugang tapos na ang AlDub.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vico Sotto, son of Vic Sotto and Coney Reyes, reveals why he is still happy despite Alden Richards and Maine Mendoza doing separate projects.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results