Yam Concepcion denies breakup with non-showbiz boyfriend

by Rey Pumaloy
Jul 31, 2018
Yam Concepcion on long-distance relationship with non-showbiz boyfriend: "Mahirap talaga. Minsan nga parang may moments na, ‘Ano ba ‘to, ayoko na,’ ganyan. Pero minsan makikita mong seryoso siya kasi may plano naman e. Kumbaga, we’re just responsible, mahal namin ang isa’t isa. We’re just making responsible choices to have a good future."

Mariing itinanggi ni Yam Concepcion na break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Nag-ugat ang balitang ito dahil napansin ng ilang netizens hindi na nagpu-post ang Kapamilya actress ng larawan o video nilang dalawa ng kasintahan.

Paliwanag ni Yam tungkol dito, “I just wann keep it private na lang.

“Alam niyo naman, e. Nakikita naman e.

“Kasi parang, bakit ko pa ipu-post?

“Alam niyo naman ang social media, hindi ko na rin minsan tinitingnan.

“Kasi gusto ko munang mag-break from it.

“Sometimes kasi it makes me feel… parang you tend to compare yourself with other people when you’re so into the whole postings and stuff.

“I just use it for work lang.”

Ipinaliwanag din ni Yam kung bakit matagal siyang sumagot sa direct messages mula sa kanyang mga kakilala at mga kaibigan.

“Parang mas gusto ko nang… di ba, minsan may mga friends tayo, we see each other para magkamustahan kayo? ‘Kumusta ka na? Anong nangyari na sa ‘yo?’

Continue reading below ↓

“Pero kung ibi-base mo lang sa social media… ano ba ‘yan? Parang nawala na yung essence.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yam sa media conference ng upcoming prime time series ng ABS-CBN, ang Halik, na pinagbibidahan din nina Jericho Rosales, Yen Santos, at Sam Milby.

Ginanap ang mediacon sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN noong July 24.

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Three and a half years na ang relasyon ni Yam sa kanyang boyfriend.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ang kasal, at nagbiro ang 30-year-old actress na huwag itong pangunahan dahil baka hindi na dumating ang marriage proposal.

Pero ayon kay Yam, nag-uusap na rin sila tungkol sa kanilang future.

“Hindi yung kasal, ha? Pero more on sana… sana sa future,” paglilinaw niya.

Kasalukuyang nakabase sa San Francisco, California ang boyfriend ni Yam, kung saan nagtatrabaho ito sa Wells Fargo, isang financial services company.

Nicole’s Despedida de Soltera #N????C @mrcuu

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

Hindi naman itinago ni Yam ang hirap na pinagdadaanan dahil sa pagkakaroon ng long-distance relationship.

Continue reading below ↓

“Mahirap talaga. Minsan nga parang may moments na, ‘Ano ba ‘to, ayoko na,’ ganyan.

“Pero minsan makikita mong seryoso siya kasi may plano naman e.

“Kumbaga, we’re just responsible, mahal namin ang isa’t isa.

“We’re just making responsible choices to have a good future.”

Handa raw si Yam na iwan ang buhay-showbiz o ang magagandang proyektong nakukuha niya ngayon upang manirahan sa Amerika kasama ang boyfriend.

Saad niya, “Siguro kung pag marriage na yung pag-uusapan… it’s a choice, ano?

“Siguro if I get married, then kung saan man siya, I’ll be there. Totoo naman.

“Siguro… nasa right na rin naman.”

Pero nang marinig nito ang komento ng PEP.ph na sayang ang kanyang naipundar na karera sa loob ng anim na taon, biglang nag-iba ng pahayag si Yam.

“Actually, hindi ko pa rin alam, e. Tingnan na lang natin.

“Wala pa sa isip ko. Pag nandiyan na lang!” sabay halakhak niya.

Continue reading below ↓

SELFISH WIFE

Ipinagpapasalamat naman ni Yam ang magandang feedback na natatanggap niya sa kanyang pagganap bilang selfish wife ni Jericho sa Halik, base sa trailer na ipinalabas sa mediacon.

Nakangiting pahayag niya, “Siguro dahil sa hard work yun, nakakapagod siya.

“Masarap kasi fulfilling na nagagawa mo yung passion mo, gusto mo yung ginagawa mo, you enjoy it.

“It’s very uncomfortable actually to act kasi parati kang, ‘Hay naku, kinakabahan ako, yung lines, ganun-ganun.’

“Pero pag nagawa mo nang maayos, wow, ang sarap ng feeling.”

Unang nakilala si Yam sa 2012 sexy film na Rigodon, kung saan naghubo’t hubad siya sa ilang mga eksena.

Hindi raw pinagsisisihan ni Yam ang pagpapaka-daring niya sa pelikulang iyon na idinirek ni Erik Matti.

Pahayag niya, “Siguro everything happens for a reason. At lahat yun pinagdadaanan.

“Pinagdaanan ko yun para makarating ako sa kung saan ako ngayon.

“Ang laking improvement din, wow, nakaya ko yun.”

Continue reading below ↓

Pero hindi na raw niya gagawin yun ulit.

“Bakit pa ako babalik doon e, nanggaling nga ako dun? Pinagdaanan ko na yun,” sabi ni Yam.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yam Concepcion on long-distance relationship with non-showbiz boyfriend: "Mahirap talaga. Minsan nga parang may moments na, ‘Ano ba ‘to, ayoko na,’ ganyan. Pero minsan makikita mong seryoso siya kasi may plano naman e. Kumbaga, we’re just responsible, mahal namin ang isa’t isa. We’re just making responsible choices to have a good future."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results