Romnick Sarmenta denies using illegal drugs during his heyday

by Arniel C. Serato
Jul 31, 2018
Mahigpit daw na nilabanan ni Romnick Sarmenta noon na matukso at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Wala raw kasi itong maidudulot na maganda sa katawan ng isang tao. 

Isa si Romnick Sarmenta sa pinakasikat na artista noong dekada ’90.

Nadagdagan pa ang ningning ng kanyang bituin sa pagsikat ng love team nila ni Sheryl Cruz.

May mga sitwasyon kung saan ang ilang sikat na artista ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot upang mapanatili ang kanilang energy sa kaliwa’t kanang trabaho.

Pero ayon kay Romnick, kailanman ay hindi siya gumamit ng anumang ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa 46-year-old actor, “Hindi. Hindi, e. And all my friends know this.

“Alam lahat ng mga kaibigan ko ito. Lagi nilang tinatanong, ‘Ang galing mo naman.’

“Sabi ko, ‘Hindi ako magaling, takot ako. Paano kung magustuhan ko 'tapos masira buhay ko, di sayang naman, di ba?’

"Traydor na kalaban iyan, e. Mag-e-enjoy ka lang sandali, 'tapos wala na, wala ka nang buhay."

Patuloy ni Romnick, “So, never ko tinray becuase I was wary of it. I wasn’t interested kasi bad news iyan para sa akin.

Continue reading below ↓

“I’ve seen a lot of people go down the drain because of that, so parang stupid for me.

"I mean, sorry, pero iyan yung term ko sa sarili.

“Parang, ‘Napaka-estupido mo kapag sinubukan mo iyan, Romnick, dahil nakita mo na yung nangyari sa iba.'”

Ano lang ang naging bisyo niya?

Tugon ni Romnick, “Sigarilyo lang. I don’t drink. I like motorcycles. I ride bicycles on the highways.

“Naninigarilyo ako and then tumigil, and then bumalik, and then nag-vape. Ganun lang.”

Paano niya sinabi sa kanyang mga kaibigan noon na ayaw niyang gumamit ng illegal drugs?

“My friends know this also, I tell them directly, ‘So, you know, I love you like a brother, pero if you’re going to have that vice, you can’t stay with me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Romnick sa pocket presscon ng pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset), sa Salu Restaurant, Quezon City, kagabi, July 30.

Continue reading below ↓

CINEMALAYA 2018 ENTRY

Ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset) ay ang entry ng Cineko at Cleverminds Inc. sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2018.

Bida rito sina Romnick, Menggie Cobbarubias, Dante Rivero, at Perla Bautista.

Tumatalakay ang kuwento ng pag-iibigan ng isang babae (Perla) at dalawang lalaki sa kanyang buhay—ang isa (Dante) ay iniwan na siya at ang kanyang anak at ang isa (Menggie) ay kanyang kasalukuyang asawa na handang magbigay-daan sa nagbabalik na pag-ibig.

Ngunit tutol dito ang karakter ni Romnick.

Mapapanood ito sa Ayala Malls cinemas at sa Cultural Center of the Philippines sa darating na August 3 to 12.


Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigpit daw na nilabanan ni Romnick Sarmenta noon na matukso at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Wala raw kasi itong maidudulot na maganda sa katawan ng isang tao. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results