Jessy Mendiola responds to netizen who criticized her slimmer figure

by Bernie V. Franco
Aug 7, 2018
Jessy Mendiola, FHM's Sexiest Woman in 2016, is criticized by a netizen for her slimmer figure. But the actress says she's happier now.

Hindi nagpatinag ang ABS-CBN actress na si Jessy Mendiola matapos punahin ng isang netizen ang kanyang mas payat na pangangatawan.

Kamakailan ay nag-post si Jessy sa Instagram ng larawan, kung saan kitang-kita ang bunga ng kanyang pagwu-workout.

Pero sa comments section, sinabi ng isang netizen na mas maganda raw si Jessy noon kumpara ngayon.

Sabi ng netizen, sobrang payat daw ng girlfriend ni Luis Manzano at baka raw stressed ito.

Sumagot naman ang Kapamilya actress at sinabi nitong mas masaya siya ngayon sa kanyang figure.

“Mas masaya naman ako ngayon. Ok na yun. Quits lang. kalma ka,” sabi ni Jessy.


Continue reading below ↓


Ipinagtanggol naman ng ibang netizens si Jessy at sinabing marahil ay naninibago lang ang ilan sa bago nitong pangangatawan.

Dapat din daw maging masaya na lang ang mga ito dahil hindi biro ng fitness transformation na ginawa ni Jessy.


Continue reading below ↓


Nakaranas ng matinding pambabatikos at body-shaming si Jessy nang tanghalin siyang Sexiest Woman ng FHM Magazine noong 2016 dahil sa mas malaki niyang pigura noon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola, FHM's Sexiest Woman in 2016, is criticized by a netizen for her slimmer figure. But the actress says she's happier now.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results