Ritz Azul happy for former TV5 co-star Eula Caballero for choosing family over showbiz career

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2018
Ritz Azul admits she is more nervous about her upcoming movie with comedian-singer Pepe Herrera, The Hopeful Romantic.

Masaya si Ritz Azul para sa dating kasamahan sa TV5 na si Eula Caballero, na piniling manirahan sa Amerika pagkatapos magpakasal kay Christian Samson noong October 2017.


Magka-batch ang tatlo sa artista search ng TV5 na Star Factor (2010), kung saan si Eula ang itinanghal na grand winner.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ritz, nag-uusap pa rin sila ni Eula hanggang ngayon.

“Nung magkasama pa kami sa TV5, naririnig ko na yun sa kanya.

"Yun talaga yung gusto niyang buhay—simple, kasama yung mahal niya sa buhay."

Dagdag ng Kapamilya actress, “Siguro… hindi ko alam kung paano, e, pero masaya ako para sa buhay niya ngayon at nagawa niya yung gusto niyang gawin.”

Ka-batch din nila sa Star Factor ang singer na si Morissette Amon, na katulad ni Ritz ay nasa bakuran na rin ng ABS-CBN ngayon.

Ano ang nararamdaman ni Ritz na kakaunti na lang silang mga artista ng TV5 na active sa showbiz ngayon?

“Siguro pumili na kami nung paths namin nung mga panahon na yun," pagtukoy ni Ritz sa pagsasara ng entertainment department ng TV5.

“Siguro ako, personally, masaya ako sa nangyari sa buhay ko.

“Nakaka-miss lang din minsan na magkakasama kami.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ritz sa grand presscon ng pelikulang The Hopeful Romantic kahapon, August 30, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Kasamang humarap ni Ritz sa media ang kanyang leading man na si Pepe Herrera.


FIRST MAJOR FILM

Aminado si Ritz na kabado siya sa pelikula dahil ito ang maituturing na first major mainstream film niya mula sa Regal Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓

Gaganap siya sa role na Veronica, isang gold-digger at kept woman din ng ilang malalaking personalidad sa lipunan.

Napagkamalan niyang mayamang tao si Jess (Pepe), na isang valet parking attendant ng hotel.

Ipalalabas ang The Hopeful Romantic simula sa September 12.

Read Next
Read More Stories About
Ritz Azul
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ritz Azul admits she is more nervous about her upcoming movie with comedian-singer Pepe Herrera, The Hopeful Romantic.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results